Ella's POV
"pshhh. Nandito na tayo." Ha? Agad agad? Grabe ha hindi ko namalayan. Lalabas na sana ako ng hilahin niya ang kamay ko at......
.
.
.
.
.
.
Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko waaaaahhhh
Nanlaki ang mata ko as in yung super laki na kasing laki ng plato... De joke lang malamang hindi yun totoo kasi naman eh bakit ang lapit lapit niya.
"Wagka kasing magselos." Malambing niyang sabi.
"hindi naman talaga ako nagseselos eh. Gusto ko lang namang ingudngud ang nguso at ichop ang kamay niya na nakahawak sayo ng pinong pino yung mas pino pa sa pagchop ng sibuyas." Bigla siyang tumawa ng napakalakas. Talsik laway pa yuck...
"ano ba Ken. Kadiri to talsik pa laway mo." Grabe as in...
"haha ang arte mo nagshre na kaya tayo nung naghali-" futa ipapaalala pa.
"tumigil ka."
"naghalikan kaya tayo kanina."
"lalalalala lalala alala wala akong naririnig lalala"
"nagshare na tayo ng la-"
"lalala sige ituloy mo yang sinasabi mo at sinasabi ko sayo hindi kita kakausapin PROMISE."
"totoo naman na nagshare tayo ng lawa-" grabe aish ayoko na ngang maalala eh super pula na ng mukha ko. I swear.
"AHHHHHHHHHH, itigil mo sabi eh. Nakakadiri ka talaga."
"nakakadiri daw oh gusting gusto mo nga eh" pshhh bahala ka sa buhay mo kausapin mo ang paa ko. Grrrr. Nakakainis, nakakahiya. Grave nakakabanas. "Josh" bahala ka sa buhay mo demonyo. Tinabig ko ang kamay niya saka ko siya iniwan sa loob ng kotse at derederetsyong pumasok sa studio.
"hashtag bwisit." Lalong umiinit ang ulo ko.
"Justin kung ayaw mong ma chop chop tumahimik ka." Pagbabanta ko.
"ang init ata ng ulo ng baby bestfriend ko ah." Sabi ni kuya Alex sabay akbay. Hindi ko siya pinansin at pumasok na ako sa dressing room. Tinanggal ko lahat ng mga chechebureche ko sa katawan. Yung wig, glasses contact lenses at ano-anu pa.
"OMG! Ella sorry na late ako ha buti na lang na alis mo na yung mga linalagay mo sa mukha mo." Sabi ng stylist ko. Jullian.
"oh girl eto ang theme ngayon. Summer wear." Sabi niya saka niya pinakita sa akin yung white crop top na makikita ang tiyan pero mahaba sa likod at white na shorts kasali na rin ang mga accessories na tulad ng gold na cicle na ring, relo na perlas, at kwentas na diamond shape na color blue.
BINABASA MO ANG
Secret Status
عاطفية"Anong ano ba? ako dapat magtanung niyan eh. Bakit nila sinabi na tayo? ha? Ikaw! kung anu-ano ang pinagsasabi mo. Ang feelingera mo naman, pano ako magkakagusto sayo mas maganda pa ang ex ko kaysa sayo." "hoy! demonyo ka. Hindi ko alam ang mga pina...