Chapter 25

4.4K 75 0
                                    

ELLA's POV

"oh anong kaguluhan to? May reunion pala ba't di niyo sinabi sa akin." Nag pout pa talaga si Kuya.

"hoy spongebob na syopao paliwanang mo." makautos tong Justin na to. 

“Oh eh bakit ako?”

“kasi pinsan mo?”

“anong connect?”

“wireless”

“papatayin na talaga kita… LORD patawarin nyo po ako.” Akmang susugurin na sana n Syopa- Este ni DJ si Justin buti napigilan ni Kuya Nathan

“Huy alam niyo para kayong bata. Hindi na rin ako magtataka kung kayong dalawa ang magkatuluyan.” Tumingin sila kay kuya na parang hindi makapaniwala. Pero alam niyo agree ako kay kuya. Baka nga sila pa ang magkatuluyan baling araw. The more you hate, the more you love nga diba?

“Kuya naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?” di makapaniwalang tanong ni Justin.

“Oo nga kuya Nathan. Nag-iisip ka ba?” sang-ayon naman ni DJ.

“Malamang.” Sagot naman ni Kuya.

“Malabo yan malapit na nga kaming magpatayan eh.”

“sige tignan natin. Noong huling nagkagusto yang si Justin ganyan din ang ginawa niya. Lagi niyang inaasar si Cara. Naging sila. Oo pero naasar pa si Cara bago nagging sila. Maganda ang samahan nila asaran at lambingan pero isang araw nagbago ang lahat dahil lino-” naputol ang sinasabi ni kuya Zeth dahil kay kuya Alex.

“Zeth tama na.” sabi ni kuya Alex. Tahimik parin si Justin.

“oh bakit? Alangan naman na lagi nalang natin i-iwasan ang topic na toh. It’s been a years. Hindi parin niya kayang marinig ang pangalang Cara. Akala niyo ba sa paggiging mapang-asar niya, nakamove on na siya? Akala niyo lang yun. Nakikita ko siya halos gabi-gabi na tinititigan ang larawan ni Cara habang may luha na pumapatak mula sa mga mata niya. Kung hindi natin sasabihin sa kanya na nagpapakatanga na siya.” Sabi ni kuya Zeth. At tumingin kay Justin na nakayuko lang. “ano? Maawa ka naman sa sarili mo Justin. Ako na ang nasasaktan kapag nakikita kitang ngumingiti sa harap naming at umiiyak ‘pag wala ng tao. Alam naman naming lahat na nasasaktan ka. Kaya ng akami nandito para tulungan ka diba? Akala mo ba madali para sa amin na nakikita kang nagkakaganyan dahil lang sa isang babaeng pinagpalit ka sa iba?”

Secret StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon