Chapter 28:

4.1K 68 4
                                    

Ella's POV


Nagising na lang ako na nasa kwarto ko na ako.


Ano bang nangyari kagabi? Readers para may silbi naman kayo paki paalala nga saakin kung anong nangyari kagabi haha joke lang syempre ang laki ng part niyo dito readers.


Shett wet lang po ano pong nangyari? Wala talaga akong maalala. Ano ba yan. Ay may na alala pala ako pero... "waaahhhh talaga bang binigyan ko siya ng chance? Seryoso?" Oh My Momay



"haha ang cute mo talaga. Oo binigyan mo ako ng chance kagabi at good morning sayo." Waahhh.


"ano ba? Sinong may sabi sayo na pumasok na lang basta basta dito sa kwarto ko? Alis kana magbibihis pa ako." Yun tinulak ko na. Nakakagulat talaga yang demonyong yan.


"haha bakit kasi nagmomonolog ka jan?" pahabol pa nito.


"paki mo isa Ken ah malelate tayo sa ginagawa mo. Alis ka na kasi maligo ka na rin para sabay ako sayo. Syanga pala kumusta na yung sasakyan ko?" na alala ko nga eh Rolls Royce pa man din yun.


"ah eh sabi nila matatagalan pa daw." Tapos tumakbo na papasok sa kwarto niya. Oh problema nun?


After ligohan session...


Echos...


"Josh, dalian mo kakain ka pa hindi ka pwedeng hindi kumain baka sumakit yang ulo mo." Ayan na naman po ang bulyaw ni demonyo.


"Wait lang naman. Grabe to kala mo naman, hoy ngayon ka lang naunang magbihis kesa sa akin." Sita ko habang bumababa sa hagdan.


"Ang daldal mo Josh, Kumain ka na lang ako nagluto." Wow! Ha prepared na prepared.


"Haha akala mo si shamy (yung aso namin) nagluto eh. Haha" tinignan ng lang ako ng masama.


"oh po kakain na. Eh ikaw hindi ka pa ba kakain?"


"tapos na ako ikaw na lang hinihintay ko. Akin na pala yang mga gamit mo lagay ko na sa kotse." Sabi niya tapos kinuha sa akin yung bagko yung maleta ko joke lang haha alangan naman na gagamit ako ng maleta sa school haha.


"Huy demonyo , kalian ba darating si Yaya Tess?"


"ewan pero huy ikaw wag mo na nga akong tawaging demonyo. Hmmm. Ano kaya ang magandang tawagan?" ano na naman ang pumasok sa isip ng lalaking to?


"anong pinagsasabi mo?"


"di ba nga tayo na? dapat may tawagan na tayo."


"anong tawagan ang pinagsasabi mo? Tumigil ka nga at anong tayo bakit sinagot nab a kita? Nanligaw ka ba? Para maging tayo? Chance lang ang hiningi mo hindi ka nanligaw baliw. Oh ayan tapos na akong kumain." Tumayo na ako at naglakat papunta sa sink hawak hawak ang pinagkainan ko. FYI hindi naman siya nanligaw para kami na no? Pero wait asawa ko na siya ah pero wala namang ligaw ligaw yun noon diba pero syempre dahil maganda ako kailangan niyang mapahirapan muna. Sama ko ba? Pake ko basta maganda ako.

Secret StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon