Ella's POV
Kaya ayun umalis na kami sa cemetery.
"Josh kailan kayo nagkita nila mama?"
"nung wala ka. Nakita ko sila sa company sila ang nagwelcome sa akin."
"kasama mo si Kean?" umiling ako. "eh paanong kilala ni Kean sina mama?"
"kahapon kasi nagpumilit si Kean na pumunta sila sa office kaya ayun dinala siya ni kuya sakto naman na nandoon sina mama."
"Josh" napatingin na man ako sa kanya pero binalik ko rin ang tingin ko kay Kean na nasa backseat.
"oh?"
"hayaan mo naman akong maging isang ama kay Kean. Gusto ko lang na maramdaman niya na mahal ko din siya." Nakatingin parin siya sa daan.
"hindi ko naman pinipigilan na maging ama kay Kean. Kung pinagdadamot ko sana siya sayo edi sana hindi ko pinakilala si Kean sayo. Edi sana hindi ang apilyedo mo ang linagay ko sa pangalan ni Kean at sana Pati pangalan niya galing sa pangalan mo." Hindi ko siya tinignan nakatingin lang ako kay Kean na ngayon ay natutulog sa backseat.
"ha? Akala ko ba Buenaventura ang apilyedo niya?" akala mo talaga ganon ang ugali ko kahit naman masakit parin hanggang ngayon ang ginawa mong pagtataboy sa amin hinding hindi ko ipagkakait sa anak ko ang katotohanan.
"hindi ako ganong klaseng tao." Sabi ko na lang at tumigil na ang kotse. Tumingin ako sa labas ang nakita ang isang pamilyar na bahay. Ay mansion pala. Ang mansion nila mama.
"Tara na?" tumango na ako. Bumaba ako agad at akmang kukunin si Kean pero pinigilan ako ni Ken.
"ako na?" sabi niya kaya binuksan ko na lang ang pinto ng backseat para medaling buhatin ni Ken si Kean.
Pumasok na kami sa loob. Gigisingin ko na sana si Kean pero sabi ni Ken hayaan ko na lang daw muna baka daw pagod. Hinayaan ko na rin kasi pag kulang ng tulog yan grabe ang tantrums.
BINABASA MO ANG
Secret Status
Любовные романы"Anong ano ba? ako dapat magtanung niyan eh. Bakit nila sinabi na tayo? ha? Ikaw! kung anu-ano ang pinagsasabi mo. Ang feelingera mo naman, pano ako magkakagusto sayo mas maganda pa ang ex ko kaysa sayo." "hoy! demonyo ka. Hindi ko alam ang mga pina...