Chapter 5: Resort....

5.9K 105 3
                                    

ELLA's POV

“may malapit doon na resort. Wag na kayong magbalak na magcheck in doon dahil tig-isa naman kayo ng kwarto at sinanabihan ko rin yung manager na hindi kayo pwede doon matulog pero pwede kayong mamasyal doon dahil sa inyo na rin yun pagkasal na kayo” Grabe daddy ang bigatin niyo ha. Kawawa naman si kuya ko wahaha wala siyang resort.

Ilang minuto na ang nakakalipas nakasakay narin kami sa sasakyan na papunta sa airport pero hindi parin nagsisink in yung mga sinabi nila. Next month na ang kasal. One week kaming magsasama sa iisang bahay. Ano ba ngayon? Tinignan ko yung cellphone ko para malaman kung anong date ngayon.

"OCTOBER 20?"

"oh anong nangyari?" biglang napamulat si demonyo. 

"alam mo ba kung ano ngayon?"  tanong ko. Hindi parin makapaniwala.

"Oo Oct. 20. Bakit?" grabe wala talaga tong pake sa sanglbutan. 

"anong Bakit? In two weeks time maikakasal na tayo. Tapus relax na relax ka?" I cannot believe it.

"Oo, wala rin naman tayong magagawa. Ok na rin yon kasi meron na tayong beach house, mapupunta pa sa atin ang resort at higit sa lahat may kotse pa tayo tag-isa. ayaw mu nun?" grabe yun lang talaga ang concern niya? grabe hindi talaga matatagalan to. Ba't ganto ugali nito kakaiba. Mas mahalaga pa yung koyse kesa ang future niya. Ayaw niya bang kasama tumanda ang taong mahal niya?

"may mahal ka na ba?" ay tangena naman ba't ko tinanung yon. EHHH nakakahiya talaga.

"meron" oh tignan mo to walang kontra sa arrange arrange na to, may mahal naman pala siya.

"Eh ayaw mo ba siyang makasama pagtanda mo?" out of curiousity lang yan.

"gusto pero sa tingin ko ayaw niya sa akin." biglang lumungkot yung boses niya. Ibang iba na talaga siya sa lagi niyang pinapakita sa akin. Parang ibang Kenneth ang katabi ko ngayon. Ibang Iba as in. Ay sige nakarami na ako ng pagsasabi ng ibang iba. Napurga na ata kayo.

"Edi ang saklap nun." ay tanga lang Ella imbes tulungan pinapasama pa ang loob. 

Eto lang ang pinaka mahaba at pinaka seryoso na usapan namin.

"haha" bigla siyang tumawa. "saklap nga eh parang kinamumuhian pa niya ako." ay naman oh bipolar.

Secret StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon