Chapter 39:

3.9K 80 0
                                    

Ella's POV

Makalipas ang limang minutes nakita ko na ang sasakyan ni kuya. Huminto ito sa harap namin ni Kean. Bumaba siya at binuksan ang shotgun seat.

Pumasok na ako sa loob habang buhat parin si Kean.

"himbing ng tulog ng pamangkin ko ah" tapos ginulo ni kuya ang buhok ni Kean.

Magkasundung magkasundo sina Kean at kuya kahit sa anong bagay. Minsan nga ako pa ang pinagtitripan ng dalawa.

Nakarating na kami sa bahay at ayun nakita ko ang mga dating katulong namin. Namis ko sila lalo na si yaya Tess pero syempre nandoon sila sa bahay namin ni Ken.

"sige akyat ko lang si Kean, kuya." Pumasok na ako sa dating kwarto ko. Wala paring pinagbago. Nandito parin ang mga picture namin ni Ken.

Narinig ko ang boses ni mommy at daddy sa baba kaya bumaba muna ako para makita sila.

"mommy, daddy"

"baby, nasan ang apo ko?" tonong ni Daddy. Di naman halatang excited no?

"nagpapahinga po napagod ata sa byahe."

"oh eh bakit di ka rin magpahinga. Siguradong pagod ka. Sige na akyat ka na at magluluto muna kami ni yaya ng dinner."

"mommy tulungan ko na po kayo."

"magpahinga ka nga sabi eh."

"eh mommy ngayon lang tayo magkakasama ulit eh."

"asus tong bunso ko naglalambing. Payakap nga namiss talaga kita." At niyakap lang ako ni mommy. Namiss ko siya. Waaahhh bakit ako naiiyak?

"halika na nga mommy magluto na tayo at baka magising pa ang baby natin."

"Halika na" nagtungo kami ni mommy sa kusina. Tahimig lang kaming nagluluto ng biglang nagtanong si mommy.

"Kamusta na kayo? Nagkita nab a kayo ni Kenneth?" umiling lang ako.

"pero nagkita sila ni Kean." Nabigla si mommy sa sinabi ko kaya tumigil siya sa paghihiwa ng gulay tapos tumingin sa akin.

"paano? Kailan? Saan? Alam na ba niya?" umiling na naman ako habang nakayuko. Ayokong tignan si mommy kasi naluluha ako. Naalala ko yung itsura ni Kean kanina. Naaawa ako sa anak ko.

"Alam na ba ni Kean kung sino ang daddy niya?"

"opo"

"Kailan pa?"

"kahapon pa po. Nakita niya kasi yung mga pictures namin ni Ken. Kaya tinanong niya. Ayokong magsinungaling sa anak ko. Kaya sinabi ko sa kanya. Tinanong niya ang pangalan niya kaya alam niya. Pero hindi niya alam kung nasaan siya hanggang sa nakita niya kanina si Ken sa mall nung bumibili kami ng laruan niya. Mommy hinabol niya si Ken pero pinagtabuyan siya ni Ken. Hindi siya tumigil sa pag-iyak hanggang nakatulog siya. Naawa ako sa anak ko. mommy kasi sabi niya hindi daw siya mahal ng daddy niya." Tuluyan na nga akong naiyak.

"anak intindihin mo na lang si Kenneth, hindi naman niya alam ang tungkol kay Kean at hindi niya rin alam na nandito na kayo." Tama si mommy pero hindi man lang ba siya nakaramdam ng tinatawag nilang lukso ng dugo o hindi man lang ba niya nahalata na magkamukha sila ni Kean? Parang carbon copy pa nga niya si Kean eh.

KENNETH's POV

Nandito ako ngayon sa mall na pagmamay-ari ko. Nanggaling ako sa opisina. Umalis muna ako doon dahil grabe ang sakit na ng ulo ko sa dami ng trabaho buti pa dito medyo makakarelax ako. Pero minsan mas gugustuhin ko sa opisina. Kasi naman ang dami kong nakikita na magsyota o mag-asawang nag-P-PDA. Tanga ko no? Sinasaktan ko lang ang sarili ko. haha. Papunta na sana ako sa office ko sa taas ng may narinig ako.

"daddy"

"daddy" may sumisigaw na bata. Pshhh. May nawawala na naman sigurong bata. Mga magulang nga naman. Bakit nila hinahayaan ang mga anak nila na gumagala lang sa mall. Dumeretsyo na ako sa lift.

Sasara n asana yung lift ng biglang bumukas ulit at pumasok ang isang batang lalaki.

"daddy. I called you po thousand of times you didn't even noticed me po." Hala sino ang daddy ng batang to? Lumingon ako sa kaliwa ko at sa kanan ko pati na rin sa likod ko pero yung elevator girl lang yung nakita ko alangan na tawagin niyang daddy yung elevator girl. Eh Girl nga diba?

"hihihi" Biglang may cute na tumatawa sa harap ko.

"daddy, you're so silly po, what are you looking for po?" hala ako ba ang tinatawag na daddy nitong batang to?

"sir anak niyo po?" tanong ni EG. EG na lang masyadong mahaba yung elevator girl.

"no" paano ako magkakaroon ng anak eh wala naman dito ang asawa ko. Aish naalala ko na naman siya.

"pero sir magkamukha po kayo." Sabi na naman ni EG. Tinignan ko ang bata medyo kamukha ko nga pero imposible eh. Wala naman akong kilalang nabuntis ko. Kung si Josh naman wala rin naman siya dito. I'm very sure wala akong anak.

Biglang bumukas yung pinto ng elevator at lumabas na ako doon buntot parin sa akin ang batang bubwit na to.

"daddy where are we going po?" bakit ba ako tinatawag na daddy.

"hey kid. Bakit mo ko tinatawag na daddy." Tanong ko habang naka luhod sa harap niya.

"I don't understand you po" akala ko pa naman naiintindihan niya ang tagalong hindi pala. Sosyal ng batang to ah.

"why are you calling me daddy?"

"because you are my daddy po."

"who told you that I'm your daddy?"

"I saw you po and love told me po."

"but I'm not your daddy. Whoever told you those things, is lying. I have my family so please whoever told you those lies tell him/her that to stop those lies because lying is bad." Nagsimula na siyang umiyak. Hala ano ba naman to oh. Pumunta ako dito magpahinga hindi magkaroon ng bagong problema.

"My mommy love is not lying. I saw your pictures together."

"maybe it was photo shopped. I'm not your daddy." Ang hirap magpaliwanag sa batang ito. Parang si Josh lang.

"my mommy is not a liar. I hate you. My mommy said your very kind, b-but yu-you are not. " tumakbo na siya sa labas. Sinundan ko naman agad at nakita kong yakap siya ng isang babaeng nakatalikod.

"love please stop crying, mommy love is going to cry also." british accent ang gamit ng babae pero pamilyar ang boses. Parang kay J- ay nako hallucination ko na naman ang umiiral. Binuhat niya ang bata papasok sa elevator. Malapit ng magsara ang pinto ng lift at doon ko lang nakita ang mukhang gustong gusto ko makita. Kinusot kusot ko ang mga mata ko. Hahabulin ko sana kaya lang biglang nag close yung lift. Hinintay ko na lang na mag-open ulit yung lift.

Noong nag open yung lift agad agad akong pumasok at tinanong sa EG kung anong floor pumunta yung dalawa. Kinakabahan ako. Paano kung siya nga talaga yun? Saktong pagbukas ng lift biglang may tumawag.

Megan Calling...

Bakit na naman tumatawag tong secretary kong to.

"Oh bakit?"

[ah kasi sir, nandito na po kasi sa Pilipinas yung pinadala ng branch natin sa London.]

"ah ok" yun lang pala.

[sir, meron din po pala kayong dinner with the Chua's]

"Paki cancel na lang. And cancel also all my meetings tomorrow."

[ah bakit po sir]

"Just cancel it." Tapos binabaan ko na. Uuwi na lang ako sa bahay mas makakapagpahinga ata ako doon. Bumalik ako sa taas at may nakita akong isang litrato? Saan naman nanggaling to? Baka sa bata. Pinulot ko at pagtingin ko sa picture. Litrato ng batang tumawag sa akin ng daddy at SIYA.

Ang Tanga Ko!!!

"AAAARHHHHHHHHH" napasigaw na lang ako.

Secret StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon