Ella's POV
Nasa cafeteria kami ni Dj. Nakaupo kami sa table ng 5S tanda niyo pa? Yung band ni Ken na may kasamang cheerdancers.
"UY Dj, ba't tayo nakaupo dito?" tanong ko sa kanya.
"aba malamang kasi upuan ito." tignan mo toh may gana pang mambasag. Ang ayos ayos kong magtanong tapos ganun lang ang isasagot niya.
"bwisit na toh. Maghintay ka makakaganti rin ako sayo." pagbabanta ko edi syempre anong maaasahan niyong sagot niya sa akin?
"Kung makakaganti ka.. Bleh :p"
"Isip bata :p" aba kailangang gumanti.
"hahaha! para kayong bata" napatingin kami ni Dj sa nagsalita. Nakita namin si Kelly at Sabrina. Si Kelly ay ang katabi ko kanina. Para siyang Pucca yung humahabul kay Garu ang cute niya. Si Sabrina naman yung katabi ni Dj na grabe ang ingay na katulad niya. Hindi nauubusan ng kwento. Pero wag kayo, walang tatalo kay Dj sa bunganga.
"Hello, ako pala si Kelly yung katabi mo kanina Joshellera at siya naman si Sabrina yung katabi naman ni Dianne." nakatayo parin sila na nakahawak ng tray nila.
"Ba't kayo nakaupo dito? eh sa 5S ang table na toh, diba?" tanong ni Kelly.
"wala trip lang namin, upo kayo" sabi ko kawawa naman sila nakatayo lang. Sama talaga nitong Dj na toh hindi man lang pinaupo.
"Hala baka naman magalit si Kenneth" nag-aalalang tanong ni Sabrina.
"Bakit nakapangalan ba sa kanya ito?" antaray MuhMen.
"actually talagang nakapangalan sa kanya ito at hindi lang ito, ang buong University." galing mo Sabrina.
"Pake ko sa kanya. Tss. umupo nalang kayo ako bahala." yan ang Dj na kilala ko.
Lumapit ng kaonti si Dj sa akin na parang may ibubulong. Linapit ko naman ang taenga ko sa kanya.
"Alam mo? parang Pucca si Kelly noh?" kaya kami magkaibigan niyan eh parehas ang iniisip namin.
"haha TAMA." sabay naming pagsang ayon ni Sabrina. Eh narinig niyo?
"narinig mo?" sabay naman naming tanong ni Dj. Sabay silang tumango.
"alam niyo dapat may panagalan ang samahan na ito." napalakas na sabi ni Dj. Tumingin kaming tatlo ng sabay sabay kay Dj. "oh para naman akong pumatay niyan."
"Anong panagalan?" tanong ni Kelly.
"Aba edi Sabay-Sabaw group." putaneckneck talaga nito kung ano anong pumapasok sa isip.
"haha bet ko yan." aba at sumang-ayon pa itong mga ito. Dapat ata hindi sabay sabaw eh dapat ata Baliw group.
"aish. Wait, nanjan na sina Kenneth. 'Lina kayo kaylangan nating umalis kasi baka magalit pa sila." tatayo na sana si Sab at Kelly pero pinigilan namin.
"wag kayong tatayo." sabi ko. Nagulat ata sila. Kaya umupo nalang.
" eh nakatingin na sila sa atin." alanganin na sabi ni Sab.
"wag kayong tatayo. Kumain lang kayo at hayaan silang maghanap ng table nila." aba alangan naman na tatayo kami dito eh sarap na sarap nga ako sa kinakain ko.
" wag niyo akong storbohin at kakain ako." sabi sabay subo ng pagkain ko.
"oh nandito na naman kayo." sabi ng lalaki na kasama ni Ken. Di ko nalang sila pinansin.
"oh tapos?" kaylangan lang natin dito ay tapang. haha Maraming ganyan si Dj.
"eh table namin yan." sabi naman nung isa.
"oh tapos?" patay malisya ulit na sagot ni Dj.
"di niyo ba kami kilala?" tanong ng lalaking nagtanong ulit kanina.
"eh kayo di niyo ba kami kilala?" shit baka sabihin na ni Dj. Waaaahhh DJ. Wag.
"hindi." plain na sagot niya.
"we are mutual." sagot naman ni Dj.
"hah?" edi ikaw na ang slow.
" di ka rin namin kilala." woooohhh go Dj go.
"umalis na nga kayo jan. Gutom na kami." sabay medyo tinulak pa ni boy slow si Sab. Grabe ang bastos ng batang ito.
Tumayo na ako dahil sa ginawa nila ang babastos nila. Then I face boy slow.
"How rude of you to do that? Bakit kung ikaw ba ang kumakain at may nagpaalis sayo. Ano ang mararamdaman mo? Diba nakakainis na parang gusto mo nang tirisin na parang kuto ang taong nagpaalis sayo? That is what I want to do." Kinuha ko ang bag ko tapos tinignan si Ken na kanina pa hindi nagsasalita. Tinignan ko rin si boy slow.
"oh sayo na yang mesang yan as if madadala mo yan kung saan ka pupunta. Wag mo rin itulak kahit isa sa mga kaibigan ko. Gaya nga ng sinabi mo di mo sila kilala at mas lalong di MO ako kilala. Baka magulat ka na lang bigla." tapos nag walk out na ako. Waaaaahhh yung pagkain ko sayang. Balikan ko kaya. Kainis kasi yang kaibigan ni demonyo nakakawalang gana.
Hindi man lang ako pinagtanggol ni Ken. Psshh ano ba kasi ang aasahan ko sakanya? Asa pa kasi ako...
*******
Long time no UD.VOTE <3
COMMENT <3
FOLLOW <3
BINABASA MO ANG
Secret Status
Romance"Anong ano ba? ako dapat magtanung niyan eh. Bakit nila sinabi na tayo? ha? Ikaw! kung anu-ano ang pinagsasabi mo. Ang feelingera mo naman, pano ako magkakagusto sayo mas maganda pa ang ex ko kaysa sayo." "hoy! demonyo ka. Hindi ko alam ang mga pina...