KEN's POV
Bumaba muna ako para maghanda ng almusal naming. Breakfast in bed. Hanep ngayon lang ako gumawa ng ganito kung hindi ko lang talaga mahal yun sus pababayaan ko na.
Nagising na rin pala si Josh.
Tumingin siya sa akin.
"Hala, anong oras na?" nagpapanic siyang luminga linga.
Tinignan ko ang relos ko.
"7:15" sabi ko habang tinitigan siya.
"Hala late na tayo 7:30 klase natin ngayon." Tignan mo to maysinat na nga't lahat lahat yun parin iniisip kaya to naturingang nerd eh.
"anong akala mo? Papasok ka? Ang init inti mo tapos papasok ka pa? HINDI PWEDE." Matigas kong sabi.
"may gagawin daw tayo ngayon sabi ng favorite mong teacher." May pagkapait ng kanyang pagsabi ng paboritong teacher.
"Ha? Sino?" wala naman akong alam na may paborito akong teacher ah. Ay meron pala akong paboritong teacher..." haha bigla siyang sumimangot ang cute niya talaga.
"Yung sobrang cute, Maganda, sexy, hot, hmmm nakabusangot siya ngayon, may konting lagnat rin siya, makulit, stubborn, gusto pa nga niyang pumasok eh." Kumunot ang noo niya.
"ako naman ata sinasabi mo eh." Nakapout na naman siya sarap tuloy halikan. MORning Kiss ika nga nila.
"ay ikaw ba yun haha. Hindi ka ba teacher akala ko teacher ka eh. Tinuruan mo kasi ang puso kong tumibok." Yuck saan nanggaling yun. Pweehh.
"hahaha yuck ddy saan nanggaling yun ang corny mo wahaha." Tignan mo to ngayon lang ako bumanat pinagtawanan pa ako.
"oh mmy kain muna tayo. Breakfast in bed." Linapag ko na ang almusal naming na kanina ko pa hawakhawak dahilan para mangawit ang mga kamay ko.
"oh halika na ah kain na tayo." Oh siya pa nagsabi niyan ah.
"sige kainin mo lahat yung linagay ko sa plato mo ah."
"oo na po... nahiya naman si Christian sa pagiging over sa pagpapakain kay Anna." Sino na namang Christian yun. Noong isang araw Daniel, Niall, Bailey, at marami pang iba. Sino sino ba naman kasi yang mga lalaking yan eh.
"Sino na namang Christian yan?" hindi niya ako pinansin tuloy tuloy lang siya sa pagkain. PG talaga ito. " nga pala siguro naman nabalitaan mo na yung schools fest."
"oh tapos?" talaga to hindi mo makakausap ng maayos kung pagkain ang nasa harap niya.
"kasali tayo sa magpeperform."
"tayong lahat?"
BINABASA MO ANG
Secret Status
Romance"Anong ano ba? ako dapat magtanung niyan eh. Bakit nila sinabi na tayo? ha? Ikaw! kung anu-ano ang pinagsasabi mo. Ang feelingera mo naman, pano ako magkakagusto sayo mas maganda pa ang ex ko kaysa sayo." "hoy! demonyo ka. Hindi ko alam ang mga pina...