Ella's POV
5 MONTHS Later
Mahirap ang magbuntis ng walang katuwang kaya laking pasasalamat ko kay Kelly dahil sumama rin siya sa akin. Supposed to be nasa Korea siya dahil sa businessman niyang asawa na si Sehun pero ayaw niya magpaiwan sa Korea, nandito kasi sa London ngayon ang asawa niya. Si Sehun ay Korean pero naiintindihan niya ang tagalong at medyo alam niya naman magsalita ng tagalong kaya for sure hindi na kayo manonosebleed haha. Si Kelly, ang asawa niya at sila kuya ang nag-aalaga sa akin kasi naman eh mahirap daw akong alagagaan L sabi nila kasi daw ang rami kong gusto. Ang sama nila. Ano kasi ang magagawa ko eh gusto ko nga yung mga yun. Eh tapos ang taba taba ko pa mas doble taba ko kesa sa mga ibang buntis pero kahit na atleast may dalawa akong anghel. Oo tama kayo sa hinala niyo kambal ang pinagbubuntis ko isang babae at lalaki. Ang saya ko noong nalaman ko. Pero nalungkot rin ng bahagya dahil wala si Ken sa tabi ko. May kakaiba akong nararamdaman.
"KELLLLYYYYY" sigaw ko. Sumasakit ang tiyan ko. "Kelllyyyy, TANGINA KELLYYYYY, BRUHAAAAA NASAN KA?" masakit na talaga at nakaramdam ako ng mainit na liqiudo na dumadaloy sa mga binti ko.
"Oh bak--- Shit Ella dugo." Dugo? Hinawakan ko ang binti ko at dugooo...
Kelly's POV
"KELLLLYYYYY, Kelllyyyy, TANGINA KELLYYYYY, BRUHAAAAA NASAN KA?" ang ingay naman yang babaeng to. May gusto na naman atang ipabili. Nagmadali akong pumunta sa kanya.
"Oh bak--- Shit Ella dugo." Ang daming dugo.
"Shit... Honey dalian mo yung sasakyan." Tangina nasan ba sina Mike? Bwisit yang mga yan ngayon pa?
Dinala namin agad siya sa Hospital. Sa ngayon nasa ER siya tinawagan ko na rin sina kuya Nathan at agad naman silang pumunta.
"Kumusta siya?" agad na bungad ni Kuya Nathan sa akin.
"Hindi pa lumalabas ang doctor from the ER. Kanina pa sila doon." 30 mins na sila sa loob pero wala parin ni isang lumalabas. Nang biglang lumabas ang doctor. Kaya tumayo kaming lahat mula sa pagkakaupo at sina Mike naman na lakad ng lakad at napatigil sa paglabas ng doctor.
"Sino po ang pamilya ng pasyente?" tanong ng doctor. Oo dito namin siya tinakbo sa Philippines Hospital dahil ito ang pinakamalapit na hospital.
"Kami po." Sabi naming lahat.
"eh sino po ang asawa ng pasyente?" lahat kami ay nagsitahimig. Magsasalita na sana si kuya Nathan pero biglang...
"ano pong nangyari sa anak ko doc?" bungad nila tita.
"Can we talk privately?" tumango si tita Jasmine at sumunod sa doctor. Naiwan naman si Tito Harold.
Jasmine's POV
"Mrs. Kung pwede po tawagin niyo pati ama ng mga bata kasi mrs. Kailangan niya rin malaman kung anong gagawin namin." Sabi ni doc.Martines.
BINABASA MO ANG
Secret Status
Romance"Anong ano ba? ako dapat magtanung niyan eh. Bakit nila sinabi na tayo? ha? Ikaw! kung anu-ano ang pinagsasabi mo. Ang feelingera mo naman, pano ako magkakagusto sayo mas maganda pa ang ex ko kaysa sayo." "hoy! demonyo ka. Hindi ko alam ang mga pina...