Ella's POV
Nakarating kami sa bahay at tama nga ang sabi ni DJ nasaloob nga si demonyo.
"Ella bahay niyo to?" manghang tanong ni Dj.
"oo, gusto mo pumasok. Halika."
Dj's POV
Pumasok ang kotse sa isang malaking gate na automatic. Ganito rin naman ang gate namin pero wow. Ang ganda sa loob. May fountain. sa magkabilang side, may mga magaganda ring bulaklak, tapos yung bahay ang ganda 2 stories siya na may magkaibang theme sa left part ay parang wood theme na sa kahoy ginawa pero pag tignan mong mabuti PARANG lang pala. Sa right side naman ay purong glass na may parang curtain niya ay water na galing sa taas. Grabe ang ganda.
"Ella bahay niyo to?" manghang tanong ko.
"oo, gusto mo pumasok. Halika." hinila niya na ako. Ang hilig manghila ng babaeng to eh no?
Pumasok na kami sa loob at bumungad sa akin ang napaka gandang sala. Parang ang gandang tumiraa dito.
"Ella, ilan kayo nakatira dito?"
"dalawa, panagtlo si yaya Tess. Speaking of yaya Tess na san kaya siya?" pagkasabi niya non saktong may lumabas galing sa kusina ata na mukhang may kaedaran na rin.
"oh Ella anak, may kasama ka pala."
"opo yaya, siya po si Dj, kaibigan ko" pakilala ni Ella.
"ah hello Hija, kakain ba kayo dito para maipaghanda ko na kayo."
"hindi na po yaya nagmamadali po kami. Ya si Ken po?"
"ah si Kenneth? nasa kwarto niya natutulog ata." tumakbo na si Ella sa taas at iniwan ako dito. Grabe ha pero ok lang naman at least makakakain ako ng miryenda.
Ella's POV
*tok tok tok
Antagal buksan ah. Baka naman natutulog talaga. Untiunti kong binuksan ang pinto at sumilip. Wala namang tao. Biglang bumukas ang pinto ng banyo.
"ay palaka" napatalon pa ako sa gulat. Nandon nakatayo sa pinto si Adonis- teka ano bang pinagsasabi ko. Nakatayo doon si demonyo naka..... Waaaaaaaahhhhhhh
nakatopless at naka tapis lang ng twalya. Bigla akong tumalikod. Wahhhh ba't pa kasi ako pumasok eh waaahhhh
"Oh ba't ka tumalikod ayaw mong makita ang pang diyos kong katawan?" sabi nito na may pang aasar.
"bastos! magbihis ka nga"
"ayaw mo ba?" ulit niya
"waaahhh bastos ka talaga Ken kahit kailan."
"ba't ka pala nandito?" sabi niya habang naririnig ko ang mga yapak niya papunta sa walk-in closset niya.
"magbihis ka nalang bilisan mo dahil late na tayo." sinabi habang nakatalikod parin.
"late saan?"
"sa photoshoot ng The Legacy. Tanda mo pa yung sinabi nila mama at nila mommy na magcocover tayo sa isang magazine. Kaya pls. Bilisan mo at pupunta daw sila mommy."
"ha?" nagulat na namn ako dahil nasa tabi ko na pala siya na magsusuot pa ata ng t-shirt pero hinila ko na. pababa.
"Ano ba Josh." Wala akong panahon para marinig ang mga reklamo niya.
"Kenneth?" sabi ni Dj. OoO ganyan ang mukha niya.
"sino ka naman?" bastos talaga tong demonyong to. Binatukan ko pa.
"Ano ba Josh kanina ka pa." Sabing wala akong oras sa mga reklamo nila kaya hinila ko silang dalawa papasok sa kotse.
*******
oh ayan na ba-bye magsisimba pa kami. mwah mwah.
BINABASA MO ANG
Secret Status
Romance"Anong ano ba? ako dapat magtanung niyan eh. Bakit nila sinabi na tayo? ha? Ikaw! kung anu-ano ang pinagsasabi mo. Ang feelingera mo naman, pano ako magkakagusto sayo mas maganda pa ang ex ko kaysa sayo." "hoy! demonyo ka. Hindi ko alam ang mga pina...