ELLA's POV
Graduate na ako. Tapus na rin ang paghihirap ko sa demonyong school na yun. Pero hindi naman lahat demonyo kasi mabait naman ang mga teachers pero minsan nagiging bias sila. Atleast nakagraduate ako hindi ngalang valedictorian kahit na halos perfect ko na lahat pero ako parin ang salutatorian. At kilala niyo ba kung sino ang valedictorian? syempre hindi, diba? nagtanong pa kasi ako.
Ang valedictorian namin ay... drum roll please... deh joke lang...
So ayun nga ang valedictorian namin ay si Kenneth Mark Chonggo Maligno Demonyo Stidd. May kung anong pagnanasa ang meron sakanya ng mga guro namin, lagi kaya syang natutulog sa klase kung hindi naman, nalelate pumasok at minsan pag na bobored sya sa lesson basta nalang mangunguha ng ballpen at magsusulat... hindi papel kundi kamay ko di kaya'y damit ko tapus uuwi nalang akong napuno na ng ink ang kamay at damit ko. Nakaka-inis lagi pang nambabara wala man lng matinong magawa katulad narin ng mga kaibigan niya.
Teka nga...Eh ba't tayo napunta sa Mukhang unggoy na yun?
So ayun nga kasama ko ngayon ang mga malalapit na pinsan ko na galing pa sa iba't ibang sulok ng mundo para daw sa party ko mamaya. sosyal noh? Pa-party-party pa kasi pwede namang dinner lang tapos ang gamit pa nilang plane eh yung private plane namin. Swerte.
Alam niyo ang nakakainis dito ay kailangang magdress at mag heels. Imagine, stylist pa sa Paris ang kinuha nila. Grabe sila, ganun na ba talaga ako kapangit at kailangan pa nila kuhanin ang "pinakamagaling" na stylist para mapaganda lang ako. Ang sama nila. Huhuhu.
Umalis muna ang mga pinsan ko kasi daw magpeprepare rin daw sila.
Pero ang pinagtataka ko, Seryoso na toh huh, bakit yung malalapit lang yung meron? Kasi ganito yon, pag may party kasi lahat ng kamag anak namin imbitado pero ngayon mga pinaka-close na pinsan ko lang at eto pa may imbitado na hindi ko kilala.
"Ella, Ready ka na?" biglang may nagsalita sa labas ng kwarto ko. Si kuya Nathan.
Harry Jonathan Buenaventura, ang nag-iisa kong kapatid. Hearthrob yan di ko lang alam kung talagang magkaptid ba kami o hindi, kasi naman... ngayon ko lang sasabihin to ha wag na wag niyong sasabihin sa kuya ko baka lalong lumaki ulo nun baka siya na ang susunod na megamind. Gwapo talaga yang si kuya.
Kauuwi niya lang kahapon galing sa London, dun kasi siya nag-aaral eh. Di ko rin alam kung anong naisip niyan na sa ibang bansa mag-aral ang dami namang schools dito, ang arte kasi.
"Hoy! Joshellera Jen Dipaven Buenaventura ano ba? Naglaslas ka na ba jan? Sumagot ka nga, gigibahin ko tong pinto."
"hehe! Sorry! Pasensya na. At tsaka wag mo ngang gibahin yang pinto, nakabukas yan kailangan mo lang pihitin ang doorknob at itulak mo." Sumbat ko. Sabi na sa inyo eh, may topak yan.
Biglang nagbukas ang pinto at pumasok si kuya na hindi tumitingin sa akin.
"diba ang dale?" pang-asar ko.
"woah, anong ginagawa mo?" gulat niyang sabi.
"Hindi ba halata? malamang nag-aalis ng pintura sa mukha, aish bobo" binulong ko lang yung huli para di niya marinig.
"makeup tawag jan, gaga" tignan mo toh ang sakit mag salita ang sarap i-tape ang bibig.
"ay ba't mo alam? gumagamit ka nito noh. Uy gumagamit ng makeup haha bakla." eh di pantay na kami. Kala niya sya lang huh.
"putaness naman talaga ng taong ito oh, pinagbintangan pa akong bakla, malamang alam ko, hindi ko naman katulad yung isa jan na nanggaling sa kweba."
BINABASA MO ANG
Secret Status
Roman d'amour"Anong ano ba? ako dapat magtanung niyan eh. Bakit nila sinabi na tayo? ha? Ikaw! kung anu-ano ang pinagsasabi mo. Ang feelingera mo naman, pano ako magkakagusto sayo mas maganda pa ang ex ko kaysa sayo." "hoy! demonyo ka. Hindi ko alam ang mga pina...