Ella's POV
"so hindi ka talaga makakapunta?" umiling ako at pinagnagpatuloy ang pag-aaral ko. Buti malapit ko ng matapos.
"Uy Ella cute siguro ng anak mo no? ilang taon na siya" sabi naman ng isa kong ka officemate
"4 years old."
"May picture ka ba niya?"
"Meron. Marami." Sabi ko habang binabasa ko parin ang mga papeles.
"Pwede patingin?" Linabas ko ang phone ko at linagay sa photos.
"waaahhh ang cute naman niya. Alam niyo parang may kamukha siya." Sabi ni Vanessa.
"malamang eh yan ang nanay eh." Tumahimik na lang si Vanessa at muling binalik ang tingin sa pictures ni Kean.
"uy Ella papuntahin mo naman dito yung anak mo."
"pag may time."
"Ano ang ginagawa niyo? Hindi ba binabayaran kayo para magtrabaho? Balik sa trabaho bilis." Sigaw ni Megan. "Ikaw Ms. Buenaventura gawin mo na yang pinapagawa sayo at ibigay mo yan sa office ni Sir Kenneth bukas ikaw na magbigay niyan dahil gusto ka daw Makita ni Sir.kabagobago palang ganyan na ang ginagawa" binulong niya yung huli pero narinig ko lahat. Umalis na siya hindi ko na rin lang pinansin ang sinabi niya dahil mas malaki ang problema ko hindi pa kasi ako handa na Makita si Ken.
"Hay bruha talaga siya pero Ella good luck sayo bukas ah. Kasi alam mo kahit super gwapo yang si sir Kenneth masungit yan, sumisigaw yan pag nagagalit sobra nakaktakot kaya nga halos walang nakakalapit kay sir kundi yang Megan na yan."
"ganun na ba siya ngayon?"
"ha anong sinasabi mo?"
"ah wala. Sige tapos ko na ang ginagawa ko. Pwede na kayong umalis para makapagsaya." Ako lang kasi ang hinihintay nila kasi daw hindi daw ako pwedeng mag-isa ditto dahil hindi ko pa daw kabisado tong building. Kung alam lang nila."sige Ella ah kita na lang tayo bukas." Pagpapaalam nila.
"oh saan kayo sasakay?" tanong ko naman.
"commute." Simpleng sagot nila.
"halina kayo. Hatid ko na lang kayo." Pinilit ko pa sila bago makasakay. Hinatid ko sila sa isang bar.
Kinabukasan
"Ella diba ilalagay mo pa yan sa table ni Sir Kenneth?" ay oo nga pala. Ilalagay ko na langto ng mas maaga para hindi ko na maabutan si Ken.
Binuhat ko na ang mga papaeles at pumunta sa office ni Ken. Binuksan ko ang pinto nagulat na lang ako na nandoon na si Ken nakaupo sa swivel chair at nakayuko. Napatingala siya ng marinig ang pagsara ng pinto.
"J-josh?" yun lang ang sinabi niya at tumayo saka lumapit sa akin. "Josh" ulit niya sa pangalan ko hindi ako nagsalita.
"Sir Ken eto na po yung pinapatapos niyo." Sabi ko ng walang emosyon.
"Josh" sabi niya ulit saka niya ako niyakap.
"Sir please we're here at the office." Pagpapaliwanag ko.
"JOSH. I miss you. Josh thank God bumalik ka na."
"Excuse me lang SIR, I'm here to work and I came to your office because you requested it. Since you already know me, no need for introductions. Sige, alis na ako kasi marami pa akong trabaho. Excuse." Hinila ko yung kamay ko.
BINABASA MO ANG
Secret Status
Romance"Anong ano ba? ako dapat magtanung niyan eh. Bakit nila sinabi na tayo? ha? Ikaw! kung anu-ano ang pinagsasabi mo. Ang feelingera mo naman, pano ako magkakagusto sayo mas maganda pa ang ex ko kaysa sayo." "hoy! demonyo ka. Hindi ko alam ang mga pina...