Chapter 20: Study Room (Splice)

4.5K 74 0
                                    

ELLA's POV

Pagkatapos kong maghugas ng mga pinagkainan namin dumeresyo na ako sa study room. Sosyal noh? may pa study-study room pang nalalaman. Pakana po yan ni daddy para daw walang storbo. Test kasi namin bukas at kailangan kong magreview dahil Advance chemistry. Medyo hindi ko kasi naintindihan ang huling diniscuss ng prof namin kaya isesearch ko nalang sa youtube. Marami namang tutorial doon eh.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Ken nakaupo habang nasa harap ng laptop niya parang may tinitignan siya. Ay concentrated siya 

"Oh but nandito ka?" tanong ko sa kanya. Bigla siyang lumingon nagulat ata kasi bigla niyang sinarado ang laptop niya. I smell something malansa.  Wahhh baka baka nanunood siya ng waaahhhhh....

"ano ba dapat gawin sa study room?" tanong niyang pabalik. Oh tignan niyo ang defensive niya. Wahhhh tama nga ang hinala ko.

"eh iba naman ginagawa mo. Kung manonood ka lang eh kung ano man ang pinapanood mo. Parang awa mo na sa kwarto mo na lang gawin yan kasi you know this room is called study room and that means that this is only for studying not you know." ano ba naman pwede namang sa kwarto niya na lang wahhh. Hindi ko tuloy masabi ng deretsyo yung "you know".

 "anong pinagsasabi mo?" tignan niyo na. Diba ganyan naman pag may ginagawang kamanyakan, hindi nila inaamin agad? Waaaahhh ang manyak niya talaga. Ba't ba kasi dito pinapanood yung "you know" na yan.

"wag ka kasing manood ng porn dito sa study room." ayan nasabi ko na. Aishhh.

"WHAT? PORN? SAAN MO NAMAN NAKITANG PORN ANG PINAPANOOD KO?" nagulat ako sa pagsigaw niya. Over ha. Nabingi ata ako doon.

"WAAAAAAHHHHH WAG KA NGANG SUMIGAW. Alam kong normal lang yan sa mga lalaki pero parang awa mo naman babae ako. Mahiya ka." wala talagang hiya. May gulay.

"Hindi naman Porn tong pinapanood ko eh asdfghjkl" may sinabi siya pero di ko naintindihan pano ba naman kasi ang hina yung pagkasabi niya.

"Alam mo gawin mo nalang kaya ang dapat mong gawin. TSS." tapus inopen niya ulit ang laptop niya.

"Pero sigurado ka bang hindi talaga yan porn?"

"Ang kulit mo talaga." Pinakita niya sa akin yung sinasabi niya at yun nga.... Mali ako Eh movie naman pala ang pinapanood niya.

"anong title?" naglakad ako palapit sa kanya. "kasisimula mo lang?" tanong ko ulit.

Secret StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon