Chapter 10: I saw them...

4.7K 82 1
                                    

Marlyn's POV

Ang kulit ng babaeng to ha. Nakakainis. Ang sarap sabunutan. Sumbong ko kaya sa tito ko na malapit sa mga Buenaventura at Stidd. Kaya nga ako nakapasok sa isa sa pinaka malaki at pinaka magandang resort sa buong mundo dahil sa tito ko. Hindi ko na kailangang makipila at makipag agawan sa mga pangit na gustong magtrabaho dito. Like Duh! Hindi ako kasing level nila. Low Class ang mga yun. 

"Marlyn kahit na sila pa ang may-ari nito kaylangan parin na inuuna ang mga costumer kesa sa may-ari kasi di naman magiging successful itong resort na ito pag wala ang mga costumer." aba kala mo naman eh konti lang ang part niya sa pinapasweldo sa amin. Kahit naman wala siya marami paring pumupunta dito.

"oh ano na? Nasaan na ang manager niyo." Aba ang tapang nito ah. Mukhang gusto niyang masabunutan.

"Sabihin niyo nalang po sa akin"

"Gusto mo tawagan ko ang pamilyang may-ari nito?"  Eh sa ayoko eh busy nga daw yung Hannah na yun. Isa pa yung babaeng yun eh ang kapal ng mukha porke manager siya dito? Kung makautos akala mo kung sino.

"Pano po kayo magkakaroon ng contact sa kanila eh wala nga po kayo sa VIP list." Kung sabihin ko kaya ito kay tito para sabihin niya sa may-ari. Tignan lang natin.

Kinuha niya ang kanyang cellphone. Aba! Kapal.

"hello rin sayo....eh kasi ano...eh kasi kailangan kita dito sa hotel dito sa information desk. AS IN ngayon na...." Humarap siya sa likod niya at nakita ko ang isang ubod ng gwapo na nilalang. Kailangan kong mag ayos.

"Miss anong problema dito?" tanong ng gwapong nilalang sa aking harapan. ANg gwapo..

"ah bakit po Sir? Ano pong pangalan niyo?" 

"Well miss I'm the son of the owner. I'm Kenneth Stidd." sabay abot ng kamay. Umalis yung babae pero sinundan ng tingin ni Kenneth. Natulala siya pero nung nakita niyang maraming taong nakatingin sa babae napa frown siya.

"I'm Marlyn Flores." parang nawala ang ngiti niya.

"Nice to meet you Marlyn, I have to go see you." tapus tumakbo paalis patungo sa dinaanan yung babae. Ano kayang meron sa babeng yun? Malalaman ko rin kung sino yung babaeng yun di man lang ako sinagot nung tinatanong ko sa kanya yung pangalan niya. Nakakainis ang sarap sabunutan. 

May mga pumasok na maiingay. Ang gwagwapo nila parang mga diyos. 

Nagcheck-in lang sila sa mga VIP rooms, 2 sa pinaka malaking rooms ang kinuha nila. Bigatin.

Justin's POV

Mge repapips. Yeahhhhhh... Di kayo makapaniwala noh? May POV ako. Love kasi ako ni Author. 

Secret StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon