Chapter 3: The Continuation

10.5K 167 5
                                    

ELLA's POV

Nakatulala lang ako doon. "Hoy! Josh" doon na lang ako nakabalik sa mundo. Pinipisil niya ang cheeks ko.

"ano ba?"  Irita kong sabi. Ang sakit ng pisngi ko. Taragis talaga tong demonyong to.

"Anong ano ba? ako dapat magtanong niyan eh. Bakit nila sinabi na tayo? ha? Ikaw! kung anu-ano ang pinagsasabi mo. Ang feelingera mo naman, pano ako magkakagusto sayo mas maganda pa ang ex ko kaysa sayo." grabe manlait ng demonyong to. Ahhhhh konting konti nalang mapapatay ko na 'tong demonyong to. 

"hoy! demonyo ka. Hindi ko alam ang mga pinagsasabi ng mga magulang ko. Wagkang feelingero dude kasi hindi ako pumapatol sa demonyong katulad mo at FYI wala akong paki-alam kung mas maganda ex mo edi dun ka titgan mo ang mukha niya para magsawa ka." Tapus naupo na ako sa tabi ni kuya at sa kamalas malasan naman kasi ang bakante lang na upuan ay ang tabi ko. Grabe ang malas ko.

Nagpatuloy ang kasiyahan diba dapat ako ang masaya dahil ako ang graduate eh bakit ganun ako pa tong hindi mapakali. Nang maalala ko ang mga pinsan ko.  Nagpaalam muna ako kina Mommy at Daddy pati narin kina tita Kate at tito Marcos. Oo tama ang nabasa niyo. Hindi ko pwedeng sabihin na NAKITA niyo dahil hindi niyo naman talaga nakita. Ay pwede rin pala imagine niyo nalang.

Naglakad na ako papunta sa mga pinsan ko.

“Hanggang ngayon ganyan ka pa rin? Grabe ang tapang mo, diko kaya yan.” Sabi ni Justin, pinsan ko ilang araw lang ang  tanda niyan saakin.

“Malamang di mo kaya kasi di ka naman babae pano ka magsusuot ng ganto.”

“haha, BURN” sigaw ng iba ko pang pinsan. Ganyan talaga kaming magpipinsan super close ko tong mga to.
Tawag sa amin ay The Legacy kasali si Demonyo pero kasali lng sa groupo. Hindi pa nakilala ng personal ng mga pinsan ko. Si kuya lng dahil nagkatrabaho na sila sa isang magazine patu nga ako eh nakatrabaho ko na rin siya pero di niya ako kilala kasi alam niyo na dahil sa school madalas akonh magdisguise.

magtigil nga kayo upakan ko kayo tig-iisa. You like?” threaten ni Justin. As if tatalab yan.

Syempre hindi, tanga ka ba? Bakit kung ikaw tatanungin ko, gusto mo masapak?” haha yan na naman si kuya Zeth napaka seryoso.

kuya naman eh panira ka talaga.” Oo magkapatid yang mga yan haha nakakatawa at the same time nakakapagtaka kasi naman si Justin maingay, madaldal at puro kalokahan ang alam samantalang si Kuya Zeth tahimik, laging kasama ang libro o di kaya ay laptop niya at laging binabasag ang kapatid. Nakakatuwa nga eh binabalance nila ang isa’t isa.

“sa susunod mag-isip ka muna bago ka magsalita.”

“ sa susunod kasi kuya makisakay ka na lang wag kang mambara.” Haha gago talaga ito, pati si kuya Zeth di pinapa lampas.

“If ----” di na natuloy ni kuya Zeth ang sasabihin dahil sa pagputol ni Kuya Louis(Luwi). Kapatid ng kambal na sina Carl at Dave.

“hephep baka magsapakan kayo jan.” awat niya.

“EH KUNG IKAW KAYA UPAKAN NAMIN KUYA” sabay na sigaw ng kambal. Haha epic mukha ni Kuya Lou.

“oh ba't ako na naman?” angal niya.

"Di mo ba nakita kuya babasagin na naman ni kuya Zeth si Tin-tin eh."  Carl

"eh sorry naman."

"AISH PANIRA TALAGA." sabay na sabi ng kambal.

"Ella Grabe ka." Sabi ni Dave. oh ano na naman ang problem ng mga to sa akin?

"oh ano na naman nagawa ko?"

"Sa school tahimik ka lang laging libro ang hawak mo para kang si kuya Zeth pero pag party kung hindi ka pupunta, maninira ka naman ng theme." natatawang sabi niya ay nako may naalala na naman to.

"oh anung gusto mong palabasin?" boring kong tanong.

"naalala niyo ba noon nung pinilit ni tita Jasmin si Ella na magpunta sa prom?" 

"hahahaha" yep lahat sila tumawa. talaga namang hindi ako interesado sa mga party na kailangang magdress.

Ilang minuto pa ang lumipas bago sila tumahimik.

"congrats pala" ay kita niyo tong mga to kanina pa ako nakaupo dito, ngayon lang ako binati. Mga walangjo.

"He he!" sarcastic kong tawa. Wala na talaga akong masabi.

"Ella la la" Biglang may sumigaw sa kabilang bahagi.

" hehe!" yan lang sinabi niya kasi nagtinginan lahat ng tao sa kanya. Yan ang pinsan Bestfriend ko si Mickey Mouse. Loko lang. siya si Mike.

Isa pa kasi itong Mickey Mouse na to eh. Bakit puro kalog ang mga nakapaligid sa akin.Buti di ako nahawa. :p

Lumapit na sila kung nasaan kami, kasama niya si kuya Nathan, ate Mica at kuya Alex.

"pinsan bestfriend Mickey Mouse" sabi ko sabay yakap namiss ko tong pinsan bestfriend ko nag-aaral rin kasi siya sa London kasama ni Kuya Nath at kuya Alex.

"ehem" biglang may tumahol sa likod ko uy joke lang may parang umubo sa likuran ko. Kumalas ako sa pagkakayakap ni pinsan bestfriend at tinignan ang tumahol. haha

"Oh so that's it? He's ? He's your bestfriend already? Are you cheating on me? Ok if that's what you want" sabi ni kuya Alex na naka pout sabay talikod niya. Hinug ko siya sa likod. 

Tumingin siya sa akin pero naka pout pa rin. Ang cute talaga ni kuya Alex. Niyakap ko siya ulit.

"eh kuya naman eh, syempre ikaw pa rin ang one and only kuya bestfriend ko." panlalambing ko sa kanya. Ako ang favorite niyang pinsan kaya di niya ako matitiis.

" Congrats Baby bestfriend ." bulong niya sa akin.

"So ganun kayo lang ang may yakapan party?" sigaw ni kuya Nathan.

"GROUP HUG" sigaw nung kambal. Nagsi takbuhan na sila lahat tapus niyakap kami ng mahigpit.

"oh di na makahinga si Baby... Bes---" mas lalo nilang hinigpitan kaya si kuya bestfriend yung di makahinga. Loko talaga tong mga to.

"Oh sige tama na di na talaga... ako...ma..ka..hi...nga" syempre joke lang yan si kuya bestfriend kasi talaga ung hindi makahinga.

KENNETH'S POV

Nakatitiglang ako sa babaeng yun. Nang bigla niyang niyakap sa likod yung lalaking kasama ni kuya Nathan. Nakaramdam ako bigla ng inis pero nawala yun nung nakita ko yung paggroup hug nila. Inis napalitan ng tuwa at inggit. Inggit ako kasi kaya niyang gawin ang lahat ng gusto niya at maraming nagmamahal sa kanya.

Tinitigan ko lang siya. Ang ganda niya talaga pagngumingiti siya. Sarap niyang pagmasdan.

*********************

wow ha ikaw na Kenneth... unconscious ata siya sa mga pinagsasabi.... Hay natamaan na ata ang Taong kulang sa papel haha.... 

O gudnight Kittens....

VOTE <3

COMMENT <3

FOLLOW <3

Secret StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon