Ugh parang awa mo na tumigil kana. Unti unting dumilim ang aking paningin hangang puro dilim na lang ang aking nakikita.
KENNETH's POV
Buong ride sa airplane, tahimik lang si Josh. Mukhang nagalit siya sa mga sinabi ko kanina.
"Bakit mo ako iniwan? Nakipaglandian ka pa? Hanep ngayon ko lang nakita side na to."
Pagkatapus sabihin ang mga katagang yan. Gusto ko agad iyong bawiin. Bago siya tumalikod sa akin at hilahin ang kamay niya mula sa pagkakahawag ko sa kanya nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
Nadala lang ako sa galit sa mga nakita ko kanina. Iniwan niya ako at pumunta na siya agad sa kinaroroonan nung lalaki na magdadala sa amin sa airplane na gagamitin namin. Lalapit na sana ako nung nakita kong tumatawa yung lalaki at naka ngiti naman si witch. Bakit pag sa Iba ngumingiti siya pero bakit pag ako hindi ko siya nakitang ngumiti kahit......Minsan Lang..... Mapangiti ko naman siya..... Kahit minsan lang...
Pagkabukas ng door nf plane bumaba na siya agad di man lang ako tinitignan. Di man lang chineck kung humihinga pa ako. Nasobrahan na ata ang pag e-emo ko.
Ikaw naman kasi Kenneth eh ba't mo sinabi yun. Naiinis talaga ako sa bunganga ko. Hanep no dapat sa sarili ko pero bibig ko pa ang sinisi. As if naman may sariling pag-iisip ang bunganga ko.
Bumaba na ako at nakita kong kausap na niya ang manger ata. Ewan. Basta yung babae na naka uniform period. Kaya pinabayaan ko na muna siya di rin naman niya ako hahanapin at kakausapin. Just that thought... ah basta.
Tumuloy na ako kung saan kami tutuloy for the week. Binuksan ko yung pinto hindi naman nakalock. Pagkapasok ko may nakita akong matanda na nakaputi na gown mahaba ang buhok. Lumingon siya. Unti unti akong linalapitan. Sumigaw ako ng sumgaw walang dumating at hinalay ako...
Shempre joke lang yun. Nakita ko si yaya Tess ata pangalan nagluluto ang bango nga pero wala ako sa mood na kumain. Nahalata ta niya ata na may ibang tao kaya lumingon siya.
"oh hijo nandiyan ka na pala. Nasan si Ella?" oh tama ako siya talaga si yaya Tess.
"nagpa iwan po siya. susunod nalang daw po." pinagtakpan ko nalang para makabawi naman kahit konti.
"oh sya. hijo kain kana muna." sabi ni yaya.
"hindi na po. busog pa po ako." sinungaling. gusto ko tlagang kumain pero wala ako sa mood. Labo ko no? aminin kayo rin ganyan.
"ah nga pala hijo yung kwarto mo sa kanan katapat lang ng kwarto ni Ella. Nasa loob na ang mga gamit mo." pagpapliwanag niya.
"oh sige po salamat po. Magpapahinga na po ako." paalam ko.
"oh sya sige na. Akyat ka na dahil mukhang napagod ka." Umakyat na ako hinanap ko ang mg gamit ko. Nung makita ko ang maleta ko, binuksan ko at kinuha ang mga damit tyaka linagay sa cabinet. Pagkatapus ko kinuha ko ulit yung boxer na nasa loob na ng cabinet ko. Ang tanga lang. Ba't di ko inisip na ihiwalay ang gagamitin ko pang tulog? hay bobo.
![](https://img.wattpad.com/cover/24699736-288-k49365.jpg)
BINABASA MO ANG
Secret Status
عاطفية"Anong ano ba? ako dapat magtanung niyan eh. Bakit nila sinabi na tayo? ha? Ikaw! kung anu-ano ang pinagsasabi mo. Ang feelingera mo naman, pano ako magkakagusto sayo mas maganda pa ang ex ko kaysa sayo." "hoy! demonyo ka. Hindi ko alam ang mga pina...