Ella's POV
It's been 5 years mula nung pinanganak ko si Kean Josh Buenaventura.
"Kean love, where are you?" hay saan na naman kaya nagsususuot ang batang yun. Simula nung natutong maglakad wala ng oras na hindi ko hinahanap yan. Kung saan-saan pumupunta. Minsan pa nga sa isang mall sa Italy noong nagbakasyon kami doon, Ilang oras ko din siyang hinanap napaiyak na nga ako kakahanap sa kanya pero na sa isang car store lang pala.
"Kean where are you? It's time to sleep baby love." In-open ko yung bathroom niya pero wala siya. Uh naman eh. Ang hilig magtago parehas talaga sila ni ... ay basta.
Pumunta ako sa kwarto ko at doon ko siya nakita nakaupo sa kama ko kandong ang isang pamilyar na kahon. Ang kahon kung saan ko itinago ang aking nakaraan.
"baby love what are you doing?" sabi ko. Nagulat ata siya kaya bigla niyang itinago yung hawak niyang picture.
"waaahhh mommy love you scared me po." Haha ang cute talaga ng baby ko.
"why? Do I look like a monster baby love?" bigla siyang nag smile and his cute dimples showed.
"mommy love is not a monster po, mommy love is sooo pretty po." Bulero. Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Galing manlambing ng anak ko eh no? May gusto ito sigurado.
"what can I do for my baby love?" tanong ko habang naka yakap parin.
"mommy love, is the man in the picture my daddy po?" bigla akong napahinto... unti unti kong tinignan ang sinasabi niyang larawan at sa totoo lang hindi mo na kailangang itanong kung daddy niya talaga siya kasi parang SIYA lang si Kean nung bata pa siya. Wala pa atang namana ang batang to sa akin eh. Ba't kasi ang lakas ng genes nila.
"do I need to answer that?" matalino si Kean kahit na 3 years old palang. Tumango siya. Ngayon na rin naman ata ang tamang panahon para malaman niya kung sino ang daddy niya.
I took the picture and pointed to the man he is talking about. Kinuha ko yung isa pang picture sa tabi nito. Yung medyo malaki. I gave it to him. "go in front of the mirror, look at yourself and compare it to the man in the picture." Sabi ko tumango siya at tumungo papunta sa full length mirror dito sa kwarto ko.
Pinagmasdan niya lang yung mukha niya at yung mukha sa picture. Hindi ko ipagkakaila na hindi ko kayang kalimutan si Ken dahil na rin kay Kean na kamukhang kamukha ng tatay.
"I have his everything mommy love po." Oh ano say niyo? Galling diba.
"so did that answer your question?" tumango lang siya at tinitigan ang larawan.
"Mommy love what is daddy's name po?" minsan ang anak ko parang mas matanda pa sa akin. Lagi kasing naka aligid kay kuya Zeth kaya ata nahawa sapagka matanda niya.
"just remove the A in your name and that's the name of your daddy."
![](https://img.wattpad.com/cover/24699736-288-k49365.jpg)
BINABASA MO ANG
Secret Status
Romance"Anong ano ba? ako dapat magtanung niyan eh. Bakit nila sinabi na tayo? ha? Ikaw! kung anu-ano ang pinagsasabi mo. Ang feelingera mo naman, pano ako magkakagusto sayo mas maganda pa ang ex ko kaysa sayo." "hoy! demonyo ka. Hindi ko alam ang mga pina...