Numb 42: Caldereta

522 21 45
                                    

ZOE's POV



Nagising ako na may mabigat na bagay na nakadagan sa kalahating bahagi ng katawan ko at halos hindi ako makagalaw.


Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko na nasa harapan ko ang lalaking isinumpa kong hindi ko na babalikan.


Napangiti ako ng maalala ko ang nangyari kagabi kaya naman sa halip na kumalas ako sa yakap niya ay lalo kong isiniksik ang mukha ko sa may dibdib niya.


Naramdaman ko din na mas humigpit ang yakap niya sa akin.


Oo, alam ko na malaking gulo ito kapag umabot sa mga magulang namin, pero siguro, panahon na para naman lumaban kami ng magkasama.


"Maaga pa. Sleep princess." - bulong niya sabay halik sa ulo ko.


Ipinikit ko ulit ang mga mata ko hanggang sa nakatulog na pala ulit ako.


*****


Nang magising ako, kinapa ko agad ang katabi ko at agad akong napabalikwas nang maramdaman kong wala siya.


Hindi naman ako nananaginip di ba?


Magkasama kami di ba?


Bumangon ako at tiningnan ko siya sa banyo pero wala siya doon kaya lumabas ako ng kwarto.


Wala din sa kusina.


Saan naman kaya nagsuot yun?


O baka naman panaginip nga lang lahat?


Pero bakit andito ako sa condo?


Ang huling natatandaan ko ay nasa ulanan ako habang hinihintay ko siya.


Iniwan na naman ba niya ako?


Matapos kong ikutin ulit ang buong condo ay nanlulumong umupo ako sa sofa.


Ginapangan ako ng takot na baka talagang napagod na siya sa pagsuyo sa akin.


Itinaas ko ang mga paa ko at ipinatong ang mukha ko sa tuhod.


Pinipisil ko ang mga kamay ko kasi sa totoo lang kinakabahan ako.


Maya maya pa ay may kumatok kaya naman dali dali ko iyong binuksan kasi baka siya iyon.


Magkahalong gulat at disappointment ang bumalatay sa mukha ko ng makita ko sina Crein at Zhy pati na rin sina Clyde at Agua kasama ang kakambal ko na katulad ko ay nakanganga rin sa akin.

THE BITTER NUMBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon