HARRY's POV
Litong lito ako at hindi ko alam kung anong pwede kong gawin para makausap ulit si Zoe.
Alam kong galit na galit siya sa akin.
Ipinikit ko ang mata ko at sumubsob sa manibela ng kotse ko.
Isang malaking pagkakamali na may nangyari sa amin ni Sharie kasi alam kong panghahawakan na naman niya iyon para hindi na ako makawala sa kanya.
But I can't afford to lose Zoe.
Magkatayan man.
Inistart ko ang makina ng sasakyan ko at agad na tinungo ang bar na tambayan ng mga kaibigan ko.
Nagbabakasakali ako na matulungan nila ako ngayon sa sitwasyon ko.
Inilinga ko ang paningin ko para hanapin sila at nakita ko namang kinawayan ako ni Crein.
Kinabahan ako ng makita ko ang matiim na pagtitig ni Paul sa akin.
I sighed.
Mukhang alam na niya ang ginawa kong katarantaduhan sa kapatid niya.
"Biyernes Santo mukha mo tol." Ani Clyde
"Problem?" – Crein
"Leave my sister alone." – Paul
Napatingin ako kay Paul maging sina Clyde at Crein.
"W..Wait. Anong leave? Hindi ba maayos naman silang dalawa ni Cassandra?" -- Crein
"Bakit hindi niyo tanungin yang magaling nating kaibigan kung anong kagaguhang ginawa niya?" – tiim bagang wika ni Paul.
"Nasaktan ako kasi akala ko ikakasal na sila ng lalaking iyon. Nakita ko sila sa garden niyo." – wika ko.
"What's wrong with you Monteverde? Sinabi ko sayo na tantanan mo ang kapatid ko kung sasaktan mo lang ulit siya."
"It's a complete misunderstanding."
"Complete misunderstanding? So misunderstanding lang na nakita ka ni CZ na nasa ibabaw ni Sharie at hinihingal sa ginagawa niyo?"
"WHAT THE F*CK!" – Crein at Clyde
"Lasing ako mga tol. Akala ko talaga si Zoe iyon. I was blinded by jealousy. I was hurt. I feel betrayed."
"You what? Betrayed? The last time I checked Harry, ikaw ang nagtaksil sa inyong dalawa. Ikaw ang nangiwan sa inyong dalawa. Ikaw ang bumitaw. At ano? Akala mo si Zoe iyon? Pwede ba. Kahit lasing ka, dapat alam mo kung sino ang kasama mo. Sabi mo, nakita mo ang kapatid ko sa garden kaya paanong akala mo siya yung kaniig mo? Utak bro. Utak." –iritadong wika ni Paul sa akin.
Napapikit ako.
Hinilot ko ang sentido ko at hindi ko alam paano sasagutin ang mga sinasabi ni Paul.
Tama siya.
Kung mahal ko siya dapat nagtitiwala ako sa kanya.
Kung mahal ko siya dapat alam kong hinding hindi niya iyon magagawa.
Pero ganun naman talaga.
Kapag nagseselos ka na, wala ka ng matinong maisip.
Kapag nagseselos ka na, halos nawawala na ang pagiging rasyunal mo.
Kapag nagseselos ka na, nabubulag ka na sa mga pwedeng mangyari.
Lalo na sa sitwasyon naming ni Zoe.

BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
Narrativa generale( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)