Numb 33: Soulmates

844 25 14
                                    

Paul's POV

Matapos naming masigurado na umalis na iyong mga babae ay tumambay na lamang kami sa kwartong ginagamit namin.


Napahigit ako ng hininga ng pumasok si Harry sa loob ng kwarto.


Aminado ako na naapektuhan talaga ang pagkakaibigan namin dahil sa nangyari sa kanila ng kapatid ko.


Hindi ko din maalis na hindi mainis sa sarili ko dahil bestfriend ko ang taong ito.


Yun nga lang, nagkataon na ang babaeng sinaktan niya ay kadugtong ng pusod ko.


"Ano? Tinginan na lang mga dude? Para naman tayo nitong mga chicks eh." -- natatawang sabi ni Crein.


"Silang dalawa parang bitter na mag -ex. Ang lagkit ng tinginan eh. Hahahaha." -- ani Clyde.


"Mga siraulo." - asik ko sa kanila.

"Seriously? Hindi ba kayo pwedeng maging casual man lang kung magkakasama tayo? Matagal na din naman tayong magkakaibigan di ba? So how come, you can't talk with each other." -- Crein


Nakita kong bumuntunghininga si Harry.


"Hindi ko naman masisisi si Paul kung magalit man siya sa akin at hindi ako kausapin. Kapatid niya yung sinaktan ko. Kapatid niya yung pinaiyak ko. Kakambal niya yung naging miserable nang dahil sa akin." -- Harry


"Can you at least forgive and forget?" -- Clyde


"Tell me Harry. Anong ginagawa niyong dalawa dito?" -- tanong ko.


"She asked for it. Aniya, gusto niyang lumayo muna sa problema niya. Malaki ang hinala ko na may kinalaman iyon sa katotohanang ang tatay niyo ang nagpakana ng pinsan kuno noon para lang hiwalayan ko siya."


"Kung yun lang naman pala ang dahilan, kung mahal mo talaga kapatid ko, hindi mo siya isusuko na lang ng basta."


"Kung may choice ako noon, hinding hindi ko iyon gagawin."

"May choice ka. Its your choice to break her heart. Its your choice that she became wasted for quite a long time. Sabihin mo Harry, anong pagkakaiba ng paglaban mo noon at ang paglaban mo ngayon?"


"What's the difference? Malaki Paul. Dahil noong panahon na iyon, walang kasiguruhan na mabubuhay ako. Pero wala eh, nabuhay ako at naging miserable din. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na once na magkaroon ako ng chance na ayusin ang mga nagawa ko, then I will take the risk to be near her again even if it means, she will break my heart."


I let out a deep sigh.


Tahimik lang kaming apat.


Alam ko naman sa sarili ko na totoo ang sinasabi niya dahil noong mga panahong iyon ay pinahanap ko siya.

THE BITTER NUMBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon