HARRY's POV
Iniwan kong namumula si Zoe habang tinatapos niya ang niluluto niyang caldereta.
Makalipas ang ilan pang minuto ay tinawag na nila kami para kumain.
Napansin kong iniiwasan ni Zoe ang mga mata ko kaya naman nilapitan ko siya lalo at itinaas ang baba para matingnan niya ako.
"Bakit ka namumula?" - tanong ko sa kanya habang nagpipigil ako ng ngiti.
"ah. Ano. Ahm. Mainit. Oo tama. mainit nga."
"Bakit ka kinakabahan at nauutal?"
"Sinong may sabi sayo?"
"Ayan oh. Hindi ka nga makatingin sa akin eh. Kinikilig ka pa rin ba?" - pilyong tanong ko uli sa kanya.
Sa halip na sumagot at isang malakas na hampas ang ibinigay niya sa akin.
"Aray! Ano ba? HAHAHA. Ganyan ka na ba kapag kinikilig ha Babae? Nanghahampas?"
"AY litsi! Kumain ka na nga lang at huwag ako pagdiskitahan mo. Kanina ka pa!" nakabusangot na wika niya sa akin.
"Wala naman akong ginagawa ah?"
"Anong walang ginagawa ka diyan! Kanina mo pa ako inaasar. Hmp."
"Hindi kaya kita inaasar. Tinatanong lang naman kita kung kinikilig ka. HAHAHA."
"Kitams? Nang-aasar ka eh. "
At hinampas na naman niya ako ng mabigat niyang kamay.
"akala ko ba kakain na tayo? hindi niyo naman sinabing maglalaro pala tayo ng habulan." - ani Crein.
"Eh ito kasing lalaking ito. Kanina pa nang-aasar." -- wika naman ni Zoe habang patuloy akong hinahabol at hinahampas.
"Hayaan niyo na yang dalawang iyan. Kinikilig lang iyang si Bessy lalo na at nahuli ko sila kaninang nagpoporn sa kusina. HAHAHA." -- wika naman ni Agua habang masama naman ang tingin sa kanya nitong babaeng mahal ko.
"Walang kakain ng niluto ko. Matapos ko kayong ipagluto, wala kayong utang na loob. walang kakain." nakabusangot na wika nitong si Zoe.
Pigil pigil ko naman ang sarili ko na mapatawa kasi bad mood na siya kaya naman nilapitan ko na siya at niyakap.
"Huwag niyo ngang inaasar itong mahal ko. Ang sarap kaya ng labi.. este ng niluto niyang caldereta."
Hinampas na naman niya ako pero hindi ko siya binitawan.
Natatawang pinaupo ko na siya sa silyang nasa tapat namin para makakain na kami.
Umupo na rin yung lima at tahimik na kumain habang nagpipigil din ng mga ngiti.
Nilagyan ko ng pagkain ang plato ni Zoe pero hindi niya ito kinikibo.
Sinumpong na naman po ang prinsesa ko.
Kaya naman iniharap ko siya sa akin at nakita kong nakabusangot na talaga siya.
"Prinsesa ko."
"Hmp."
"Sorry na. Huwag ng mapikon. Namiss ko lang naman maglambing sayo eh."
Pagkasabi ko niyon ay agad na tumungo siya at iniwasan ang tingin ko.
"Look at me."
"Kumain ka na. Paborito mo iyan."
"Anong sinabi ko sayo?"
"Paborito mo caldereta."
"Yun talaga?" wika ko habang sinusupil ko ang mga ngiti ko.
"Pwede ba Harry kumain ka na nga lang. Kanina mo pa ako inaasar. Akala mo nakakatuwa ka. Una, iniwan mo akong mag-isa dito at umalis ng wala man lang pasabi. Akala ko iniwan mo na naman ako. Akala ko, nilayasan mo na naman ako. tapos kanina mo pa rin ako inaasar. nakakainis na. tapos. ----"
BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
General Fiction( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)