LYNDON's POV
Parang bombang sumabog sa mukha ko ang mga salita ni Zoe.
Hindi ko akalain na sisigawan niya ako ng ganoon.
"Kung hindi mo siya hinawakan, nakapag-usap na sana kami."
Nabalik ako sa totoong mundo nang marinig ko si Harry na nagsasalita.
"Hanggang kailan mo ba hahabulin si Zoe? Hindi ka ba titigil? Pinakawalan mo na siya dati pa, bakit ngayon para kang tangang naghahabol sa kanya."
"Hindi ko siya pinakawalan nang walang rason.Hindi ko siya titigilan lalo na ngayon alam kong kaya ko pang palambutin ang puso niya."
"Back off Monteverde."
I saw him smirked.
"Nagkaroon ka nang chance noon. Pero ang tanong, bakit hindi ka pa din niya nagawang mahalin? Tsk. Limang taon Villafuerte. Limang taon din siyang nawala pero hindi niya nagawang buksan ang puso niya para sayo."
"Paano niya magagawang buksan ang puso niya kung ang pusong yun matagal ng wala? Ano ba kasing alam mo? Wala kang alam sa pinagdaanan ni CZ. Wala kang alam kung gaano mo siya nasaktan."
Kinuwelyuhan niya ako dahil sa mga sinabi ko.
"At ano ding alam niyo? Anong alam niyo sa paghihirap ko? Ginawa kong lahat para hindi siya mapahamak pa. Tinalikuran ko siya para hindi na siya mas masaktan pa. At alam mo ba kung gaano kahirap yun sa akin? Alam mo ba kung gaano kahirap talikuran ang isang taong minahal mo at bumuong muli sayo? Wala ka ding alam. Wala din kayong alam."
Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa kwelyo ko.
"Zoe is better without you. So leave her alone."
"How can I leave her alone if I know that I can't even live without her?"
"Sira ulo ka Monteverde."
"Mas sira ulo ka Villafuerte."
Iniwan ko na siya sa loob ng hotel.
Kailangan kong hanapin si Zoe.
Kailangan kong alamin kung nasaan siya.
Tinawagan ko siya sa cellphone pero hindi niya sinasagot.
Pinuntahan ko siya sa Version pero sabi ng mga bouncer doon at ni Crein mismo na hindi naman daw naliligaw si Zoe doon.
I even called her house pero hindi pa daw ito umuuwi.
![](https://img.wattpad.com/cover/16574793-288-k817861.jpg)
BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
Ficción General( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)