ZOE's POV
May mga bagay talaga na hindi mo aasahang mangyayari.
Katulad na lang nang kung anong meron kami ngayon ni Lyndon.
Ano ng bang meron kami?
Bukod sa siya ang sumasalo sa akin sa lahat ng kabaliwan ko noon habang pilit kong kinakalimutan si...
hay whatever.
Nagpahila na ako sa kanya palabas ng Version.
Kahit na hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba ang koneksyon ng mga sulat na natatanggap ko sa lalaking nagpakilalang Clifford ay pilit ko pa ding iniignora ang posibilidad na iisang tao lang sila.
Tahimik na nagbiyahe lang kami ni Ace.
Why Ace ang tawag ko sa kanya?
Naalala ko lang kasi dati sa kanya si you-know-who-i-am-referring-to.
Minsan kasi mahirap talagang kalimutan ang mga alaala.
"CZ"
Nilingon ko siya nang tawagin niya ako.
"Hmmm?"
"Bakit di mo kasama si Paul?"
"Wala lang. Kailangan din paminsan minsan maghiwalay kami."
"Nag-away kayo no?"
"Tss."
"Ano na naman pinag-awayan niyo?"
"Ewan ko sa kanya."
"Siguro dahil yung ugali mo sa London dinala mo dito."
"Isa ka pa. Wala naman akong ginagawa ah."
"Tell me, anong nangyari pagkarating niyo dito?"
"Nothing much.Except naintimidate sa akin yung mga girl na nakita ko sa mall na naging dahilan ng break up nila. Then nakaaway ko si Trixy."
"See? Kaya hindi na ako magtataka kung bakit magkagalit kayong dalawa."
"Wala namang masama sa ginagawa ko. Hindi ko naman kasalanan na mas maganda ako sa kanila at mga sugapa sa maganda ang nagiging boyfriends nila. In fact dapat pa nga magpasalamat pa sila na nalaman nila na hindi sila totoong mahal nang mga boyfriends nila. Besides, there is no true love at all."
"Bakit CZ?"
Nagtatakang tumingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
General Fiction( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)