Numb 53: Mishap

218 6 17
                                    

A/N: 

Dahil bangag ako ngayon, sasamantalahin ko na. HAHAHA. 

Sa sobrang katamaran ko, dito lang sinipag ang utak ko. Sorry for the updates.

Again, thanks so much for reading this.

Lets hope for the best for this story. 😂😂

Walang bibitaw.

Tama ng binitawan ko ang rason kung bakit meron ng librong ito 😝😂😂

Thanks so much guys! Enjoy reading mga labs❤️❤️

--CHIMIMAY

**********************

ZOE's POV

Where’s Paul?”

“Nagpaiwan.”

“Saan?”

“Sa bar kagabi. What happened? Bakit ikaw ang nandito kasama ni Zoe? Kagabi ko lang nakitang tinikis niya ang kakambal niya.”

Hinintay kong sumagot ang tinatanong nila pero malalim na bunting hininga lang ang narinig ko mula sa kanya.

Unti – unti kong minulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang puting paligid.

Ilang beses na ba akong nagmulat ng mata na nandito sa ganitong sitwasyon.

Hindi ko na mabilang.

Ano bang nangyari?

Napabalikwas ako ng maalala ko na tila may likidong umaagos sa hita ko habang kausap ko si Harry.

Ang baby ko!

Humahangos patungo sa kama ko ang mga kaibigan ko at si….

Si Harry.

Si Harry na nakatingin sa akin at nakangiti.

Agad kong iniiwas ang mata ko sa kanya at nag-umpisang magtanong sa mga kaibigan ko tungkol sa anak ko.

“Guys, ang baby ko? Okay lang ba siya? Nandito pa ba siya? Sagutin niyo naman ako.” – sunod sunod na tanong ko sa kanila habang wala nang paglagyan ang luha sa mukha ko.

Nakatingin lang sila sa akin  na tila ba hindi makapaniwala na walang habas kong sinabi ang tungkol sa anak ko kahit nandito si Harry.

“Mahfriend, tatawagin lang namin ang doctor mo para  siya na ang magpaliwanag sayo ha.” – akmang aalis si Zhy nang marinig ko ang boses niya.

“The doctor said that OUR baby is fine.”

O…our baby?

Alam na ba niya?

Napatingin kaming lahat sa kanya na hindi makapaniwala.

“Sabi nang doctor, Mabuti at nadala kita agad dito kung hindi baka nawala na ang anak NATIN.”

Napansin ko ang diin ng bawat salitang binibitiwan niya tungkol sa batang dinadala ko.

Napalunok ako at halos hindi ko siya matingnan ng tuwid sa mata niya.

Napansin kong isa isang naglabasan ang mga kaibigan ko.

“Balik na lang kami maya bessy.” – ani Agua bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Naiwan ako kay Harry na matiim pa rin ang pagkakatitig sa akin.

“Bakit hindi ko  ito alam Babae?”

THE BITTER NUMBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon