A/N:
Minsan lang ito, promise. Hindi ako magaling magsulat or hindi ko alam kung nadadala ba kayo sa flow ng story na sinusulat ko. I don't really know what you feel about these stories. Minsan lang ako nagrequest and hindi niyo ako napagbigyan ( pero it's fine). Pero as I posted the first two chapters of this story, nalungkot po ako at nasaktan. Why? Kasi umpisa pa lang, parang ayaw niyo na sa character ng new Zoe. I know minahal niyo siya sa book 1 dahil nakakarelate kayo sa pagiging masokista niya. Puro comments sana bumalik na yung dating Zoe, honestly, parang ayoko nang ituloy tong book two. Kasi kayo ayaw niyo magmove on. Kasi ayaw niyo tanggapin yung Zoe ngayon. Pero hindi naman yun ganun. Nalungkot lang talaga ako na parang wala kayong tiwala sa AKIN. Kasi dahil sa mga comments na yun, parang gusto niyo nang lagyan agad ng ending to. Nag-uumpisa pa lang po tayo. Mahaba haba pang lakbayin ito.
Anyway, let's all move on.
Masaya ako na sinusuportahan niyo pa din ito.
Thank you ng maraming marami.
Tama na pag-emo ko ^____^
-CHIMIMAY
--------------
AGUA's POV
Siya ba yun?
Siya ba si bessy?
Hindi ko pa din maintindihan kung paanong yung bestfriend ko na sobrang wasak noong umalis dito ay nagmamaldita ngayon.
She's totally different.
Nang pumasok sila ni Paul sa loob ng fastfood chain na iyon, hindi ko akalain na may mangyayaring kaguluhan.
Kasi hindi ako maniwala sa mga narinig ko sa kanya noong araw na inihatid namin sila sa bago nilang bahay.
Na kaya niyang manira ng relasyon ng may relasyon.
Pero sa nasaksihan ko ngayon, wala akong masabi.
She's really different from the old Zoe.
"Hoooy!"
"Ay kabayong nahulog na ewan. Ano ka ba naman Clyde. Tsk."
Nakita kong mababaliw na sa katatawa yung siraulo kong bestfriend matapos akong magulat.
"Anong problema?" -- tanong niya sa akin.
"Wala naman." ani ko sabay buntunghininga.
"Wala kang problema ng lagay na iyan? Eh malalim pa sa nararamdaman mo sa akin ang buntonghininga mo eh."
"Pakiulit??"
"Bawal bingi."
BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
General Fiction( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)
