ZOE's POV
Bagaman umuwi ako dito sa Pilipinas, hindi ko kahit kailan ginusto na magkaharap muli ang landas naming dalawa nang lalaking iyon.
Hindi ko din lang alam kung talagang sinasadya ng tadhana na magkita kami at ang mga taong naging dahilan kung bakit ko iniwan ang bansang ito.
Matapos kong umalis sa version ay tahimik lang akong nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Crein.
Alam kong hindi nila sukat akalain na ganoon ang mangyayari sa paghaharap namin.
Hindi ako handa.
At kahit pa handa na ako, wala akong pakialam na sa kanya.
Ni ayaw ko na nga siya makita.
Pero tila tukso na may mga taong paulit-ulit na bumabalik.
Ipinipilit niya pa ang tungkol sa mga notes?
Pero bakit ganun?
Tila nagulat siya nang sabihin ko ang tungkol sa halik at mga notes na nakukuha ko.
Agad akong umakyat sa kwarto matapos naming makarating sa bahay.
As much as possible, ayoko na muna makipag-usap kahit kanino sa kanila.
Hindi dahil apektado ako.
Kundi dahil napagod ako.
Akalain mo ba naman yung tatlong taong hindi mo inaakalang makakaharap mo, sabay sabay na dumating ngayong araw.
I don't have plans to stay here.
Pero parang sa nangyayari, I want to play.
Play with their feelings.
Play with thier emotions.
Isang mahinang katok ang narinig ko kasunod ang pagbukas ang pinto ng kwarto ko.
"CZ.."
Si Lyndon.
Bumangon ako at hinarap ko siya.
"What?"
"You okay?"
"Do I have any reasons not to be okay?"
"What do you feel now?"
"Tired."

BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
Fiction générale( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)