Numb 30: Pillow Fight

795 21 9
                                        

PAUL's POV

Nang umalis sa bahay namin si Zoe, hindi ko na lang muna sinundan.

Hindi ko man alam ang pinagtalunan nila ni Daddy, may hinala akong may kinalaman na naman iyon kay Harry.

Nagsalin ako ng alak at sumimsim habang nakatingin sa daan palabas ng mansion.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kapatid ko.

Palagi siyang wala sa bahay at bihira na din kaming makapag-usap.

Kapag naman tinatawagan ko sa cellphone niya, pinapatay lang niya.

She's being an island again.

"Aga namang alak niyan pre. Di ka man lang nagyaya."

Nilingon ko ang nagsalita at nakita kong nakatingin sa akin sina Crein, Clyde, Agua at Zhy.

"Wala ito, pampakalma lang." wika ko.

"Pampakalma? Alak? Teka don't tell me broken hearted ka?" - natatawang sabi ni Clyde.

"G*go. Wala akong panahong mabroken hearted. Sa dalawang kapatid ko pa lang sumasakit na ang ulo ko."

"Kung hindi babae, malamang ang kapatid mo na naman iyan. Nag-away kayo no?" -- Crein.

Isang malalim nabuntunghininga ang pinakawalan ko bago ko sinagot ang tanong ni Crein.

"Hindi kami nag-away. Si Daddy at si CZ ay nagtalo kanina. Ni hindi ko alam kung anong ikinagalit ng kakambal ko kay Daddy pero pakiramdam ko may kinalaman iyon kay Monteverde."

Nakita kong nagkatinginan yung dalawa kaya naman nangunot agad ang noo ko.

"May alam ba kayo na hindi ko alam?" tanong ko sa kanila.

"Err. Ang alam lang namin,ilang beses na silang nagkausap ni Harry at kung hindi ako nagkakamali ay pinupursue ni Harry yung kapatid mo."

Lalong nangunot ang noo ko sa sinabi nila.

Pinupursue?

Kailan pa pumayag ang kapatid ko na malapitan siya ni Harry?

Hindi ba't kaya siya bumalik dito ay para lang sa fashion show niya at hindi para makipagmabutihan sa mga taong naging dahilan ng pagkakalugmok niya?

Kailangan ko siya makausap pero kanina ko pa siya tinatawagan pero nakapatay naman ang cellphone niya.

Naramdaman kong tinapik ni Crein ang balikat ko.

"Give her a break. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanila ni Harry pero matalino ang kapatid mo. Hindi na siya yung dating Zoe na kilala mo di ba? Hindi na siya ang taong nagpapauto ulit. Kung nakikipag-usap man siya kay Harry, tingin ko kailangan niya yun."

"Minsan kung anong kailangan niya, hindi naman makakabuti sa kanya."

"Paano mo naman nalamang hindi makakabuti sa kanya?"

"I've been there when she became miserable because of him. Halos isumpa na niyang nakilala niya yung si Harry. Hindi makakabuti sa kanya kung magkakaayos na naman sila at the end masasaktan na naman ang kapatid ko. Hindi ko na alam kung kaya ko pa ulit siyang buuin kung sakaling mangyari iyon."

"Huwag nating pangunahan ang nararamdaman ng kapatid mo. Huwag agad tayong mag-assume na masasaktan agad siya gayung wala pa namang nangyayaring dapat mong ikabahala." -- Clyde

"Ang mabuti pa, sumama ka na lang sa get away ng barkada. Unwind muna tayo, masyado nang madaming problema ang gumugulo sa utak mo at kailangan din nating magrelax paminsan minsan." -- Crein

THE BITTER NUMBMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon