Numb 25: Face to Face

911 41 6
                                    

Author's POV

Sinundan ni Clifford si Harry dahil alam niyang nasa kanya si Zoe. 

Alam niya na pinagkasundo lang silang dalawa pero hindi niya mapabayaan ito lalo na ngayong nasa poder ito ng lalaking minsan nang nanakit sa kanya.

"Bakit mo siya sinundan?" -- ani Harry kay Clifford

"Bakit hindi?" -- Clifford

"Wala akong gagawin sa kanya kung yun lang ang inaalala mo. Hindi ko naman siya pwedeng dalahin sa bahay nila unang una, hindi naman ako welcome sa bahay na iyon. Pangalawa, alam kong sa mga nalaman niya kanina hindi niya gugustuhing umuwi muna." 

"Kaya dito mo siya dinala sa condo mo?" 

"Diyan siya nakatira dati at wala naman akong ginalaw diyan mula pa noong umalis siya sa poder ko." 

"Anong kailangan mo sa kanya?" 

Tumingin si Harry na seryoso sa mata ni Clifford.

"I want her back." 

"You want her back? What for? Alam mo hindi ko makuha yung logic na iniwan mo siya dati, tapos kung kailan okay na siya, saka ka bumabalik. Hindi pa ba sapat na naging wasted siya dahil sayo? Gusto mo mangyari ulit yun?" 

"Kung anuman ang nagawa ko dati, pinagdusahan ko na iyon ng sobra. Higit pa sa inaakala niyo." 

"Why don't you let her go?" 

"I let go once. And this time, if he'll give me a chance, I will never let go of her again." 

"So lalaban ka talaga?" 

"I love her that's why I will fight for her." 

"Minsan pare, hindi porke mahal mo, kailangan ilaban mo. Dahil hindi sa lahat ng oras, kailangang lumaban. Minsan kailangan ding sumuko para mas sumaya ang taong mahal mo." 

"Pero minsan kailangan mo ding sumugal, kasi baka bigla kang magparaya, tapos sayo pala siya sasaya." 

"Binitawan ka na ni CZ matagal na." 

"Kung dati hindi siya nawalan ng pag-asa na babalikan ko siya, tingin ko ako naman ang dapat gumawa nun ngayon." 

"Hindi lahat ng pag-asa, naibibigay."

"Pero lahat ng sumusuko, nawawalan ng pag-asa." 

"Hindi ko na hahayaang bumalik sayo si CZ." 

"Hindi ko naman kailangan ng pahintulot mo para ibalik ko siya sa akin." 

"Once is enough. Hayaan mo siyang maging masaya." 

THE BITTER NUMBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon