LYNDON's POV
Tiningnan ko lang siya habang nakasandal siya sa passenger's seat.
Nakatulog na pala siya sa biyahe.
Alam ko naman itong bago nilang bahay kaya dito ko na siya dinala.
Hinaplos ko ang pisngi niya.
Malaki na ang ipinagbago niya simula nang umalis kami sa bansang ito pero isang bagay lang ang hindi nagbago.
Ang nararamdaman ko sa kanya.
"Hmmmm" -- Zoe
"Dito na tayo. Gising na." -- wika ko.
"Ace, asan na ako?"
"Sa puso ko."
Nakita kong biglang napamulat ang kanyang mga mata sa sinabi ko.
"Ewww. Saan mo naman nakuha yang mga banat mo. Tsk."
"Eh nasa puso naman talaga kita ah."
"Whatever. Diyan ka na nga."
Napapailing na lang ako nang dali-dali siyang lumabas sa kotse.
Kabaliwan mang isipin, pero isa ito sa magandang nangyari sa akin.
Ang mapalapit sa kanya.
Ang manatili sa tabi niya noong panahong hirap na hirap siya.
Hindi ko man makuha nang buo ang puso niya, alam ko na may munting puwang ako sa kanya.
Nakatingin lang ako sa direksiyong tinahak ni Zoe.
Maya maya ay naririnig kong hinahampas na niya ang salamin ng kotse niya.
"Sabihin mo lang kung gagawin mong hotel yang kotse ko?" -- mataray na sabi ni Zoe.
"Alam mo, ikaw, ipinagmaneho na nga kita ang taray taray mo pa."
"Pasalamat ka nga at binalikan pa kita dito. Hmp. Ano? Hindi ka papasok?"
"Pwede ba ako diyan?"
"Ayy hindi. hindi. Kaya nga kita inaaayang pumasok sa loob kasi hindi pwede di ba?" sarkastikong wika pa niya habang nakataas ang isang kilay.
Natatawang lumabas na ako ng kotse at inakbayan siya.
"Ang bigat ng kamay mo Ace." --sabay alis niya sa kamay ko.
"Alam mo ikaw, pasalamat ka talaga at mahal kita, kung hindi.. naku."
BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
Fiksi Umum( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)