HARRY's POV
Nakaramdam ako ng init kaya unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.
Nasilaw pa ako sa sinag ng araw na pumasok sa kwarto....
Kwarto?
Paano ako nakarating dito?
Napabalikwas ako ng bangon at nakita ko na halos wala akong damit at tanging boxer shorts lang ang suot ko.
Inilibot ko ang mata ko at agad kong napansin ang isang bulto ng tao na nasa tabi ng kamang hinigaan ko.
Nangunot ang noo ko ng mapagtanto kong babae ang katabi ko.
Gumalaw siya at unti-unting ibinaling sa akin ang kanyang mukha.
"Gising ka na pala Honey. I had a great time with you." Anitong namumungay pa ang mga mata.
"Sharie???"
Teka naguguluhan ako.
Bakit kasama ko si Sharie?
Bakit wala siyang saplot at ako?
"What are you doing here?" I asked her.
"Ako pa talaga ang tinanong mo? Hindi mo ba naalala ang nangyari kagabi?"
Nangyari kagabi?
Napahilot ako sa sentido ko habang iniisip ko kung ano ba talagang nangyari kahapon at nandito ako ngayon sa tabi ni Sharie na ngayon ay kasalukuyang naglalakad ng wala kahit anong saplot sa katawan.
Iniiwas ko ang mga mata ko sa kanya.
Ibinagsak ko ulit ang katawan ko sa kama at pilit inalala ang nangyari kagabi.
Pinuntahan ko kahapon si Zoe sa kanilang bahay.
I know we agreed that we should distanced ourselves with each other for the mean time but I can't help but to see her.
Nang makarating ako sa bahay nila ay naabutan kong naroon ang daddy niya same as sa daddy ni Clifford.
"What are you doing here Mr. Monteverde?" – Her father asked.
"Gusto ko makausap si Zoe." Wika ko
"Makausap? Bakit kailangang makausap mo ang fiancée ng anak ko?" – tanong ng ina ni Clifford.
"Why do you care? Hindi naman siya ang ipinunta ko dito kundi si Zoe."
"Matalas ang dila mo Monteverde. Siguro sa kasalukuyan ay pinag-uusapan na nila ang kanilang kasal.." wika naman ng tatay ng isa.
Napatiim bagang ako.
Naniniwala ako na walang kasalang magaganap sa kanilang dalawa.
Ipinangako niya iyon sa akin.
"Kung ayaw mo maniwala bakit hindi mo sila puntahan? Nandiyan lang sila sa garden."
Wala akong nagawa kundi puntahan nga sila para makita ko kung ano ang sinasabi nila.
Nagulat ako sa nakita ko.
Magkasama nga sila pero dahil malayo ako sa kanila hindi ko naririnig ang kanilang pinag-uusapan.
Tahimik akong umalis sa bahay nila at pumunta sa bar.
Uminom ako hanggang sa mahilo na ako at mapasubsob sa counter.
Tanda ko ring may umakay sa akin palabas ng bar at ang huli ko lang naalala, humiling ako ng isang bagay na tanging si Zoe lamang ang gusto.
I make love with her.
BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
General Fiction( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)