Zoe's POV
Naguusap kami ni Tristan nang dumating si Yumi.
"Kuya Paul...."
"What happened? Bakit umiiyak ka?"
"Si Daddy...."
Anong nangyari kay Daddy?
"Anong nangyari sa kanya?"
"Nasa ICU siya Kuya. Inatake sa puso."
Iyon lang at humagulhol na si Yumi.
"Ate..."
Lumingon ako sa pagtawag ni Yumi habang hilam din sa luha ang mga mata ko.
"It's my fault. I did that to our father."
Hindi ko alam pero kusa na lamang lumabas sa bibig ko ang mga katagang ito.
Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa nangyari sa ama namin.
Parehas na kaming hilam sa luha ni Yumi.
"Shhh. Its not your fault . It will never be. Hushh now. Makakasama sa bata." Ani Tristan
"Its my fault." Ulit ko.
Pandalas ng iling si Tristan sa mga sinasabi ko pero bakit tila hindi ko matanggap na wala talaga akong kasalanan?
"Yes. That's your fault Zoe. So stop being selfish"
Napatunghay ako mula sa aking pagkakatungo nang magsalita ang kapatid ko.
"You know why? Kung hindi mo siya sinigaw sigawan. Kung sinunod mo sana ang gusto niya e di sana hindi sumama loob niya, hindi siya namomroblema sa iyo. Ang selfish mo ate. Oo, andun na ako, sinaktan ka ni Daddy, inilayo ka niya sa lalaking paulit ulit kang sinasaktan at iniiwan. Pero ate, gusto ka lang kasi makasama ni Daddy. Kaya kahit alam niya na masasaktan ka niya dahil sa desisyon niya, sumugal pa din siya."
Wala akong maapuhap na salita sa mga sinabi ni Yumi.
"Kuya, let's go. Hindi naman sasama yang si CZ para makita si Daddy"
"Yumi......." Wika ni Tristan.
"Nandito siya sa ospital na ito. Kung gusto niya makita si Daddy, alam na niya ang gagawin niya."
"CZ, babalik ako. Aalamin ko lamang ang lagay ni Daddy. Huwag ka muna magisip ng magisip kasi makakasama sayo. Magpahinga ka muna dito at babalikan kita." Ani Tristan sa akin.
Wala pa rin akong mahanap na salita sa mga sinabi ng dalawa kong kapatid.
Napapagod na ako mag-isip.
Akala ko ba okay na ako?
Ang yabang yabang kong sabihin na hindi na ako ang dating Zoe.
Pero, eto pa rin ako.
Narito pa rin ako sa lugar kung saan nagpapakatanga ako sa lalaking paulit ulit nga akong sinasaktan.
Hindi pa rin mapigilan ng puso ko na tumibok para sa kanya.
At ngayon nga ay dinadala ko sa sinapupunan ko ang anak niya.
Napasapo na lamang ako sa ulo ko.
I plan to have my revenge but looks like fate is doing some things to make me suffer again?
Hinaplos ko ang hindi pa kaumbukan kong tiyan.
BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
Художественная проза( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)