ZOE's POV
Yun ang gusto ko sa ngayon.
Masyado ng masikip ang Manila para sa mga taong hindi ko alam kung bakit nagagawa akong lokohin.
Kung sino pa mismo ang mga taong pinagkakatiwalaan ko, siya pa yung nangungunang manloko sakin.
Sabagay,yung matagal mo na ngang kasama, nagagawa pa magsinungaling, yun pa kayang ilang taon mo lang nakasama.
Hinayaan kong liparin ng hangin ang buhok ko.
Narito ako sa veranda sa hotel na tinutuluyan namin dito sa Puerto Prinsesa.
Naramdaman kong may pumulupot na kamay sa katawan ko mula sa likod.
"Leave all those worries habang nandito tayo. Let's enjoy this escape."
Bumuntong hininga ako.
Hindi na rin ako pumalag pa sa pagkakayakap niya bagkus ay isinandal ko ulo ko sa dibdib niya.
"Kailan dating nila?" tanong ko.
"Bukas pa. Kaya I have you for myself until tomorrow morning. Kapag dumating sila for sure hindi na kita masosolo."
"Tss. Ipinapaalala ko lang sayo, walang TAYO. I don't want commitment."
Ramdam kong bumuntung hininga siya.
"Alam ko. Pero pwede rin ba kalimutan muna natin na walang tayo? Pwede ba habang narito tayo sa Palawan, akin ka muna?"
"Dami mong request. Tss. Oo na."
Kumalas ako sa pagkakayakap niya at pumasok na sa loob ng kwarto.
Inalis ko ang baterya ng cellphone ko para hindi nila ako makausap.
Nahiga ako at ipinikit ko ang mga mata ko.
Parang ngayon lang ako tinablan ng pagod at tila hinihipan ang mga mata ko sa antok.
Narinig kong lumundo ang kama kaya alam kong umupo si Harry sa tabi ko pero hindi na ako nag-abalang magmulat pa.
"Antok?" -- tanong niya
"Hmmmm. yeah. I'll sleep first. San ba lakad natin?" -- inaantok na tanong ko.
"Well, masarap sana mamasyal pero its fine kung hindi mo kaya."
"Can you give me an hour? Alisin ko lang itong antok ko."
"Take your time princess."

BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
General Fiction( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)