PAUL's POV
What's happening?
Nagising na lang ako sa sigawan ng kapatid ko at nang tatay ko.
"Ginawa ko yun para sayo. Ginawa ko yun para maprotektahan ka." -- daddy
"Ginawa mo para sa akin? Baka naman ginawa mo para sa sarili mo. Para protektahan ako? O protektahan ang sarili mo? Nakita niyo kung anong nangyari sa akin noon. nakita niyo kung gaano ako nahirapan at nasaktan. Nagawa niyo ba akong protektahan? Nagawa niyo ba akong protektahan laban sa isang bagay na dumurog sa buong pagkatao ko?" -- Zoe
Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila.
Anong protektahan?
Anong ginawa?
Bumaba ako sa sala kung saan naroon sila at nagsisigawan.
"What's going on?" -- I asked.
Sabay silang napalingon sa akin.
Nakita kong galit na mukha ng kakambal ko at pagkalito kay Daddy.
"Tanungin mo iyang magaling mong ama." -- Zoe
"Teka ano bang pinag-uusapan niyo? Anong meron at galit na galit ka ha CZ?"
"Ilang taon akong nasaktan. Ilang taon akong nagalit sa taong hindi ko dapat pinagbuntunan ng lahat. Ilang taon bago ko nabawi ang sarili ko. Yun pala, nasa harapan ko lang at kasama ang taong dahilan kung bakit nagdusa ako at sinaktan ng taong minahal ko."
"Nag-aaway kayo dahil kay Harry? Can you please explain?"
"Nothing special Tristan. Nalaman ko lang naman na siya ang dahilan kung bakit iniwan ako ni Harry noon."
"Pero panong?? Hindi ba engage siya noon kay Sharie at si Sharie yung pinili niya?"
"Si Sharie nga. Yun pala ay dahil hiniling lang sa kanya na iwanan ako para lumapit ako sa kanya at makasama niya ako."
"Hiniling nino?"
Hindi siya nagsalita pero bumaling ang tingin niya kay Daddy na nakikinig lang sa pag-uusap naming dalawa.
"Dad??" - tawag ko.
"Ginawa ko lang yun dahil gusto ko kayong makasama. Masama bang gustuhin na makasama ko ang mga anak ko?" -- Daddy
"Walang masama sa rason mo. Ang masama yung pinagmukha mo akong tanga. Na hinayaan mo akong nasasaktan dahil diyan sa makasariling dahilan mo." -- sigaw ni Zoe kay Daddy.
"Ilang taon ko kayong hindi nakasama. Ilang taon akong nangulila sa inyo. Kung hindi ko ginawa yun, sasama ka ba sa akin? Bibigyan mo ba ako ng chance na maging ama mo?"
BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
Ficción General( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)