ZOE's POV
Magkasama kaming tatlo nina Tristan at Ace sa isang branch ng CZ's Collection para magpatahi ng damit na susuotin sa Sunday.
Ayoko sana pumunta pero para sa tunay kong ama, kailangan kong pumunta.
Psh.
For sure naman plastikan to the max na naman.
Well, I don't really care kung anuman ang mangyari basta gagawin ko na lang for Daddy.
Kahit limang taon ko pa lang siyang kasama noong mga panahong lugmok ako, sinuportahan niya ako sa lahat ng gusto ko so I think this is the right time na ipakita ko naman sa kanya na sinusuportahan ko siya hindi ba?
Ayoko naman na masyadong magarbo ang suot ko. Tama na yung simple lang pero astig ang dating.
Isa pa, whatever naman suot ko, ipapakilala pa din ako ni Daddy so it doesn't matter.
After one hour nakatapos din kaming magpasukat although mga designs ko naman yun.
Kung hindi niyo naitatanong, one of my activity is in the field of fashion designing.
"Tara mall?" -- aya ni Ace
"Ano namang gagawin dun?" -- tanong ko.
"Tatambay?"
"Baka maghahanap ng chicks." sabi ko as I smirked.
"Kung hindi ko lang alam na manhid ka, iisipin ko mahal mo ako at nagseselos ka."
"Asyumero. Tss."
"Eh kasi naman, yung kilay mo kanina pang nakataas tapos nakabusangot ka pa. Huwag kang mag-alala kasi kahit madaming babae diyan, alam mo naman na ikaw lang di ba?"
"Hay pwede ba Lyndon Ace. Tantanan mo ako ng kawirduhan mo kay?"
"I'm just stating the truth." --natatawang sabi nito.
"tss. whatever."
At umuna na ako paglalakad.
Alam ko naman na susunod sila sa akin.
"Sasama ka ba samin o hindi?" -- Ace
"Ibigay mo susi ng kotse ko at uwi na lang ako."
"Paano kung ayoko?"
"Kotse ko iyan, bumili ka ng sayo."
"Madami akong kotse, alam mo naman yun"
BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
Fiction générale( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)