Numb 32: Disaster Reunion

786 17 5
                                    

ZOE's POV

Matapos kong ayusin ang sarili ko ay nagpatianod na ako sa paghila ng mga kaibigan ko.

Hindi ko na pinansin ang mga sulyap ni Harry habang kausap niya si Tristan.

Tsk. Ano naman kayang pinaguusapan ng dalawang ito.

'Malamang sa malamang ikaw ang topic nila.'

Ipinilig ko ang ulo ko at nagkibit na lang ng balikat.

Ako si CZ.

Kung anuman ang pag usapan nila,hindi naman nila ako mapipigil sa kung anuman ang gusto kong gawin

Hindi naman nila mapipigil kung anuman ang desisyon ko.

"Bago ba sila dito? Ang gaganda nila."

"Bakasyunista siguro."

"Ang ganda nung nakablack no?"

"Huwag mo nga sila tingnan. Mas maganda naman ako sa kanya."

"Nakakahiya ka. Huwag ka nga maingay  diyan."

Nilingon ko yung huling nagsalita.

Though sanay na sanay na ako sa mga ganyan, hindi ko pa din maiwasang lingunin sila.

Nakita kong nakatulala yung lalaki sa akin at masama ang tingin sa akin ng kasama niyang babae.

Bagkus na umiwas ay nginitian ko pa sila.

Nakita kong mas natulala sa akin yung lalaki kaya naman kininditan ko na lang siya bago ko sila nilampasan.

"Grabee bessy, ang lakas talaga ng dating mo. Pati dito sa Palawan, may nabibiktima ka." -Agua

"Makabiktima ka naman. Kasalanan ko bang maganda talaga ako?"

Hindi ko na pinansin ang nagbabagang mga tingin ng babaeng kasama ng lalaking nginitian ko.


I am CZ Ricaforte and I don't care if she kill me in her thoughts.

Why would I bother anyway?


"Bessy.." - untag sa akin ni Agua.

Tiningnan ko lamang siya at tinaasan ng kilay.

"What's with you and Harry?"

Sinasabi ko na nga ba at ito ang itatanong nito eh.

Lahat ay nakaabang sa isasagot ko pati na rin yung apat na kaibigan kong dumating dala ang pagkain namin.

"There's nothing between us."  - patay malisyang sagot ko.

Nagkatinginan sila bago ulit umayos ng upo at humanda sa kwentuhan.

"Kung walang nangyayari sa inyo, ano iyong nakita namin sa resto? Plus the fact na magkasama kayo dito sa hometown mo."

"Err. Akala ko magbabonding tayo bakit parang interrogation ito?"

"Sumagot ka na lang kasi." -- Zhy

Bumuntong hininga ako.

Wala din naman akong choice kundi sumagot kasi kilala ko itong mga ito. Hindi ako titigilan hanggat hindi ako sumasagot.

"I got drunk last time na nagkita kami. It was because of my engagement with Clifford. Hindi ko matanggap na basta na lamang ako maeengage sa isang katulad niya. And then that night nagising ako with him in his condo."

THE BITTER NUMBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon