A/N:
Sorry for the long wait! Sobrang busy lamang talaga sa school and I can't get enough time to make an update. Hindi naman po kasi ganun kadali na gumawa ng update lalo na kung napipilitan ka lang kasi nangungulit mga readers. Sana po maunawaan niyo na wattpad is not my whole life.
Anyhoo, i hope kahit medyo bangag pa ako until now because of the activities these past weeks ay magustuhan niyo update ko. Thanks for waiting!
Enjoy! ^_____^
--CHIMIMAY
ZOE's POV
Ilang linggo na din ang lumipas at nandito pa rin ako sa dati kong condo. -- sa condo ni Harry na tinirhan ko noong nasa college pa ako.
Madalas din tambay dito ang barkada na parang walang mga ginagawa sa buhay.
Pumapasok sa opisina si Harry at umuuwi siya dito sa gabi.
Don't get me wrong guys, yah para na kaming live in sa nangyayari pero alam ko naman kasi na sa labas ng lugar na ito, nandiyan ang iba't ibang problema na tinakasan ko.
Napabuntung hininga na lamang ako ng maalala ko ang pag-uusap namin ng kapatid ko.
FLASHBACKKKK......
"Plano mo?"
Napaangat ako ng tingin sa kanya sa tanong niyang iyon.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko kasi alam ko na madami akong tinakasang problema sa labas.
"hindi ko alam." halos bulong na sagot ko.
"Paanong hindi mo alam Cassandra Zoe? Tinakasan mo si Daddy, ni ha ni ho wala ka man lang paramdam sa kanya. Naisip mo ba na nag-aalala na siya sayo?"
Hindi naman ako tan*a para hindi malaman na nag-aalala siya sa akin. After all, I've been Daddy's girl since nung umalis ako sa Pilipinas pero sa ngayon mas nangingibabaw ang galit na nararamdaman ko sa mga ginawa niya dati at sa pakikialam niya sa buhay ko ngayon.
"Hindi naman buhay mo ang pinapakialaman niya Paul Tristan. Buhay ko. Paulit ulit ko na naman bang ipapaalala na naging miserable ako ng mga nakaraang taon at ang masakit pa dahil lang pala sa tatay ko? Nandun ka nang hindi ako makagulapay sa pagkakalugmok. All the while i thought i have my family to lean on pero alam mo yung masakit? I just did him a favor. Masaya ba siya na nasasaktan ako kasi nakakasama ko siya? Bullsh*t Kuya! Galit ako sa kanya. Masama ang loob ko sa kanya. Hindi mo ba maintindihan iyon?" frustrated kong sabi.
"Naintindihan kita. Pero sana kausapin mo siya ng maayos. Huwag yung ganito. Fine, gusto ko masaya ka at nakikita ko naman na unti-unti ka nang bumabalik sa pagiging ikaw pero hindi ba pwedeng itama na lang natin ang lahat? Siguro naman pwede iyon. Pamilya tayo Cassandra. Nasasaktan si Dad sa ginagawa mong paglayo mo sa kanya."
"At ako hindi nasasaktan? Ni hindi man lang niya naisip ang nararamdaman ko nang ipagkasundo niya ako sa anak ng kaibigan niya. Dahil lang sa walang kwenta nilang alitan ng papa ni Harry ako ang nagdurusa? Kami ang nagdurusa? It's not fair Tristan!"
Narinig ko ang marahas na buntung hininga ng kakambal ko. Naintindihan ko naman ang pinupunto niya pero hindi ko pa kayang harapin si Daddy sa ngayon.
BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
Aktuelle Literatur( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)