Numb 13: Crossing Path

1.1K 23 7
                                    

A/N: 

At dahil hindi ko alam kung kelan ulit ako makakaupdate, ayan nagupdate ulit ako ngayon :) 

Comment guys *pout* 

Share na din natin sa iba para masaya ^__^ 

Thankies <3 

--CHIMIMAY

LYNDON's POV

Napatiim bagang ako sa nakita ko.

Bukod sa nasaktan ako, hindi ko akalain na kaya pa din palang patigilin ng lalaking iyon ang mundo ni Zoe.

Isang malakas na sampal ang kumawala sa mukha ni Harry.

Agad na pumasok kami sa Version.

Matalim ang matang tinitigan ni Zoe si Harry at nakipagtitigan dito.

"CZ, let's get out of here." -- anas ko sa kanya.

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming tatlo at nakita kong tila kinabahan ang dalawang babaeng kasama namin.

"Nakadikit ka pa din pala sa kanya Villafuerte." -- wika nito

Hindi ko siya pinansin at pilit na inaalis si Zoe sa pwesto niya.

"Bakit tayo aalis?" -- tanong ni Zoe sa akin habang umorder pa ulit ito ng isang kopita ng alak.

"Oo nga naman. Bakit kayo aalis? Reunion ito, ako, siya at ang barkada. Hindi ba magandang pagkakataon ito para magcelebrate tayo dahil sa wakas kumpleto na ulit tayo."

"Celebrate? Yeah right. We should celebrate." -- Zoe

"Sis, look, lasing ka na. Tara na umuwi." -- Paul

"Hindi pa ako lasing Tristan. Nakakatatlo pa lang akong baso no."

"Huwag mo siyang paalisin. I want to have fun with my GIRLFRIEND."

"So masaya ka na niyan? Porke hinalikan kita at sinabi kong aagawin kita doon sa babaeng yun,feeling mo totoo?" -- Zoe

"Hindi ba kaya mo ako hinalikan ay dahil alam mong ako yun?"

"Wow! Conceited masyado. Lakas naman ng tama mo. Assumero."

"Ang daming lalaki pero bakit sa amin ka lumapit?"

"Trip ko. Wala kang pakialam."

"Let's talk."

"Wala tayong dapat pag-usapan."

Nakita kong hinila ni Harry si Zoe kaya agad ko itong pinigilan.

THE BITTER NUMBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon