Numb 34: Confession

714 21 0
                                    

A/N:

Yung minsan lamang ako humiling di pa napagbigyan. :3

Anyway, salamat sa mga nagcomment at bumuto. :)

Super sorry sa super duper slow update. Sana po ay mapatawad niyo ako.

Busy lang po talaga mga kabayan.

Salamat sa patuloy na sumusuporta sa That 0.1% Hope na sa ngayon ay nasa 190k reads na. Yehey!

Hi nga pala sa mga students ko na nagbabasa ng mga stories ko.

Hello sa mga educ at bsba ng IHS.

Shout out din sa mga radtech and pt pati na rin sa medtech.

Hello kay Josh Mabilangan na super relate daw sa story ko,

Spread pa natin para masaya.

Sa mga certified hugot girls diyan, kaway :))))

Goodluck din sa DMMCIHS Streetdancers.

May gagawin akong horror/mystery story, I hope masuportahan niyo. Salamat.

Follow me on twitter. @chimmiiimay.

Tweet me using this hashtag #wattpadtbn #wattpadchimimay #wattpadt0h

Oh siya, enjoy this update.

Till then.

Love lots,

--CHIMIMAY--

HARRY's POV

Kung may isang taong dapat kong katakutan sa pagbabalik ni Zoe ay si Lyndon na iyon.

Siya yung taong nasa tabi ni Zoe noong panahong iniwan at sinaktan ko siya.

Siya yung taong sumalo sa kanya noong panahong lugmok na lugmok siya.

Sa tindi ng yakap niya kay Lyndon, iisipin ko na may relasyon talaga sila.

"Bothered?"

"You're here too."

Nakita ko si Yumi na nakatayo sa gilid ng veranda na tinatambayan ko.

Sa mga hindi nakakaalala kay Yumi, siya iyong half sister nina Zoe at Paul na may gusto kay Lyndon.

"Natapos na ang kontrata ko sa  isang project ko sa Korea kaya naman sumunod na ako dito."

"I see. Mukhang hindi nila alam na bumalik ka na ah. Bothered ka din ba?"

"Kasama ko sila sa mga nakaraang taon. Anong pakiramdam ng nakatingin ka lang sa taong mahal mo?"

"Ganito pala iyon. Yung hihilingin mo na sana ikaw yung nasa posisyon niya. Na sana ikaw yung nasa tabi niya sa panahong kailangan ka niya. Ganito pala kasakit tingnan ang isang taong mahal mo na kapiling ng iba."

"Hindi na bago sa akin ang nararamdaman mo. Pasalamat ka pa nga at hindi mo sila nakasama sa mga taong lumipas. Eh ako?"

Napalingon ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatingin lang sa malayo habang sumisimsim ng alak na hawak niya.

"Hanggang ngayon ba Yumi, si Lyndon pa din? Hinahabol mo pa din?"

"Nakakatawa no? Kahit kailan talaga hindi mo maaabutan ang taong ayaw naman magpaabot. Para ka lang nakipagmarathon na siya nakabisikleta samantalang ikaw nakapaa lang. Sa tingin mo kailan ako mananalo sa marathon na iyon?"

THE BITTER NUMBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon