Numb 26: Reconciliation?

777 24 6
                                        

ZOE's POV

Naalimpungatan ako nang marinig ko na tumutunog ang cellphone ko.

Kinapa ko ang side table para kunin ito at sagutin kung sinoman ang tumatawag ng mga oras na iyon.

Pero hindi ako makakilos dahil may nakadagang mabigat na bagay sa katawan ko na nagkataong braso pala. 

Braso??

Teka, kaninong braso? 

Nilingon ko ang katabi ko at napanganga ako nang makita kong si Harry pala ang katabi ko at halos konti na lang ang agwat ng mukha namin. 

Doon ko din lang napagtanto na wala akong suot na anuman ganun din si Harry sa ilalim ng kumot. 

What the hell happened? -- I asked myself.

Nagulat muli ako nang tumunog ulit ang cellphone ko kaya naman buong lakas kong tinulak ang brasong nakapatong sa katawan ko at tumayo kasama ng kumot. 

Huli na nang marealize kong wala nga din pala siyang suot na kahit ano. 

"Ang brutal mo talaga babae." 

Sinamaan ko siya ng tingin at binato ng mga unan.

"Walanghiya ka, anong ginawa mo sa akin? At bakit nandito ako sa condo mo? Anong ginawa mo sa akin ha? Ano??" 

"W..wala ka bang matandaan?" 

"Sira-ulo ka, magtatanong ba ako kung may natatandaan ako???" -- singhal ko sa kanya. 

"Pwede bang sagutin mo muna yang tawag na iyan at kanina pang nakukulili ang tenga ko." 

Tinalikuran ko siya at dinampot ko ang cellphone ko na kanina pa nagmamakaawang sagutin ko. 

"Hello?" 

[Sa wakas, sinagot mo din. Where are you?]

"Uuwi na lang ako Kuya. But please for now, hayaan niyo na muna ako. I don't wanna see Dad's face for now." 

[May nangyari ba? B..Bakit parang galit ka kay Daddy?]

"I will tell you soon. But not now, ang dami kong kailangang ayusin." 

[CZ... Is it because of that fixed marriage?]

"It's more than that Kuya."

[Whatever it is, tell me later okay? Mag-ingat ka kung asan ka man.]

"I will. Thanks Tristan." 

Napabuntung hininga ako matapos kong ibaba ang tawag na iyon. 

THE BITTER NUMBMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon