Numb 41: Time Machine

491 23 20
                                    

A/N:


Kailangan ko ng pampakilig ngayong mga oras na ito. Hahaha. Alam niyo ba yung pakiramdam na pinagsama sama ang lahat ng math sa mundo sa utak mo? Torture yun. Ayoko muna makakita ng numbers please. HAHA (Except siempre sa votes at comments) HAHA.


Anyhoooo. Kinilig ako sa mga comments niyo.


nakakatuwa yung mga reaksyon niyo lalo na si @swiftierific. Galit na galit kay Harry. Hard ih.. Thanks sa pakikipagkulitan sa akin. :****


Kay louise_anne, thank you sa mga study tips mo haha. Laro daw kayo habulan ni Harry.


Lumalabas din ang mga bitter. Love is not sweeter the second time around daw. Di ko na sasabihin. Peace yo!


Sa wakas, natapos na rin ang madugong pakikipagbuno ko sa comprehensive exam ko. Thank you sa paghihintay. Sana eh ipangalat nyo din itong story na ito at yung mga silent readers ay lumabas.


Hi kay Princess Lyka Redondo. Oh ayan, binati na kita. :)))))))))


Oh siya, humahaba ang kwento. Magiging busy na po ako next week. Syllabus naman asikasuhin. But keep in touch kei?


Thanks guys! Mwah!


—CHIMIMAY


*******


HARRY's POV


Kanina pa ako nasa tapat ng mansion namin pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang buksan ang pinto ng kotse ko para makapasok na sa loob.


Malalim na ang gabi at halos wala ng tao sa paligid dala na rin marahil ng malakas na pag-ulan.


Mariing ipinikit ko ang mga mata ko at nakita ko sa alaala ko ang nangyari five years ago.


Hinintay niya akong umuwi dito sa tapat ng bahay at hindi man lang niya iniisip na gumagabi at lumalakas na ang ulan.


Nakita ko kung paano siya nanlumo at pano titigan ang bahay sa pag-aakalang uuwi ako.



Ang totoo niyan nasa isang gilid lang ako sa likod niya.



Kailangan kong magtago sa kanya noon.


Kailangan ko siyang iwasan.


Kailangan kasi hindi ko siya kayang panindigan sa mga oras na iyon.


Natakot ako para sa sarili ko.


Natakot ako para sa hinaharap naming dalawa.

THE BITTER NUMBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon