A/N:
Sorry for waiting.
Sobrang naging busy simula December. Inuna ko muna yung pag-aayos ng bahay namin na nasalanta ng bagyong nona.
Plus, i have other duties outside classroom at napasabay din ang prelims exam nitong pasukan and pasahan ng grades.
Sobrang busy po talaga at sa sobrang stress ko ay hindi ako makabuo ng maayos na update.
So please, bear with me with this very short update.
Thank you for understanding.
Namiss ko kayo.
Namiss niyo ba ako?
--CHIMIMAY
********
ZOE's POV
I've been through a lot because of him.
I lose myself years ago but when he came back to me, I accept him again.
Akala ko kasi this time around he can be more serious and stop his childish way of handling relationships.
Ipinagpalit niya ako kay Sharie noon.
At ngayon, nang dahil na naman kay Sharie kaya ganito kami ngayon.
Tama si Yumi.
Hindi na healthy ang magpakatanga sa isang relasyong puro lokohan lang naman.
Hindi ako aalis sa bansa kung yan ang iniisip niyo.
Hahayaan ko siyang makita na ayos ako.
I am not CZ for nothing.
Matapos ang paghaharap namin ni Harry kanina ay dumiretso kami sa pinakadulong space sa bar na iyon.
Agad akong umorder ng vodka at tahimik na sumisimsim.
Ikatlong baso na ng iniinom kong vodka nang may umagaw ng basong hawak hawak ko.
"What are you doing here?"
"Stop it CZ. Ihahatid ko na kayo."
"Pwede ba Clifford? Iwanan mo nga muna ako. Please huwag ka muna magpapakita sa akin."
"Pinasundo ka sa akin ng Daddy mo. Hindi raw makakabuti sa iyo na alam ng alta sosyedad na ikakasal ka na sa akin eh narito ka at nagpapakalasing dahil lang sa isang lalaking wala namang pakialam sa iyo."
"Oh? Umuwi ka mag-isa mo. Hindi ko kailangan ng baby sitter. Kung hindi maganda sa paningin niya eh di kayo ang magpakasal. Hindi yung ako piniperwisyo niyo diyan sa kasal kasal na iyan."
Umakma akong iinom ulit nang tinabig niya ang basong hawak ko.
"Ano bang problema mo?"
"Anong problema ko? IKAW! Ikaw ang problema ko! Hindi ko alam kung ano pa ba ang pwede kong gawin para ako naman ang piliin mo. Bakit kasi nagpapakatanga ka sa isang lalaking hindi ka naman kayang panindigan. Nang isang lalaking wala nang ginawa kundi saktan at lokohin ka."
"Wala akong sinabing problemahin mo ako."
"Problema kita sa ayaw at sa gusto mo."
"Tanga ka ba? Hindi mo ba nakikita? Wala akong kayang mahalin kundi siya kaya huwag ka nang umasa na mababaling sayo ang nararamdaman ko."
"Hindi ko hinihiling na ibigay mo sa akin ang pagmamahal mo para sa kanya. Ang sakin lang ay subukan mo total ikakasal na rin naman tayo."
Napangiti ako ng mapait.
"Hindi mo ako pwedeng ipakasal sayo kung ayaw ko. Remember ako si CZ Ricaforte. I'll get what I want."
"Talaga lang ha? Kaya pala. Kaya pala hindi mo makuha kuha ang lalaking mahal mo."
Umigkas ang kamay ko sa mukha ni Clifford.
"Umalis ka na sa harap ko."
"Ipagtabuyan mo man ako, alam mo na sa akin ka pa rin babagsak."
"Umalis ka."
"Saktan mo man ako ng saktan, hindi magbabago ang katotohanang hindi mapapasayo si Harry."
Napaismid ako sa sinabi niya.
"Bakit? Akala mo ba dahil lang hindi kami pwede ni Harry ay mapapasayo na ako? Dream on Clifford. Dream big."
"I can love you more than he loves you."
"And I love myself to be tied to a guy like you. So please leave. Hanggat may respeto pa ako sayo. Hangga't kaya ko pang kilalanin ka bilang isa sa mga kaibigan ko. "
Tinungga kong muli ang alak na inagaw niya sa akin kanina.
Hindi na ako nagsalita pa hanggang maramdaman ko na si Yumi na ulit ang kasama ko kasama si Tristan
"Ladies, let's go home." – Tristan
"Ayoko umuwi. Can I stay in your place instead?"
Lumipat na kasi ng condo si Tristan kung saan mas malapit sa kumpanya namin.
Bumuntong hininga lang siya at inakay na kami ni Yumi palabas sa lugar na iyon.
Tahimik kaming nakarating sa unit nila at pagal kong ibinagsak ang katawan ko sa sofa niya.
"Hindi lahat ng hindi sumusuko ay nananalo. Minsan dapat alam mo rin kung kailan ka na dapat tumigil at sumuko lalo na kung alam mong wala nang patutunguhan."—Tristan
"I did it before. I can do it again now right? Bakit ganon? Bakit ngayong pangalawang beses mas masakit. Masakit na noong una. Pero mas masakit yung ngayon."
"Hindi ba ang sugat kapag mababaw, mabilis lang mawala yung sakit. Para lang yang sa pagmamahal. Kung malalim ang sugat, mas masakit at matagal maghilom. Pero darating at darating ang panahon, maghihilom ka ulit sis. Nandito naman kami. I may be a bad sister to you before, but you know I care for you. Sasamahan ka naming hanggang sa makabangon ka na muli. Ikaw kaya pinakamatapang na sister ko."
She's right. Everything will heal at the right time.
All I need this time is to accept that we can't be together.
Maybe in other time.
Maybe in some time.
And for the very first time that I am with my siblings, I smile because I know that no matter what happen, they are there for me and will support me no matter what my decision is.
BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
قصص عامة( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)
