ZOE’s POV
It’s been years simula noong huli akong pumunta sa lugar na ito.
Ipinikit ko ang mga mata ko at ninamnam ang hangin na dumadampi sa balat ko.
Naupo ako sa damuhan at pinunasan ang lapag na nasa aking harapan.
“Kamusta ka Big King? Namimiss na kita. Namimiss ko nang yakapin mo at sabihin na magiging maayos ang lahat.”
Halos hindi ko na nagawang dalawin ang puntod ng kinalakhan kong ama dahil sa mga masasakit na nangyari sa akin sa loob ng ilang taon.
“Ganun ba talaga kapag mahal? Kailangang saktan? Pa, hindi ko alam kung paano ko haharapin si Daddy. Parehas kayo eh. Parehas kayong sinungaling. Parehas niyong sinasabi na mahal niyo ako pero parehas din naman na naglihim kayo ng isang importanteng bagay sa akin.”
Nararamdaman kong unti-unti nang pumapatak ang mga luha ko.
Hindi na ako nag-abalang punasan pa ang mga ito kasi alam ko naman na hindi ito matutuyo.
“He lied to me Pa. Gaya mo noon. Nakakatawa kasi akala ko talaga okay na ako. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa akin hindi na sana ako bumalik pa dito sa Pilipinas.”
Kinagat ko ang labi ko para maiwasan ko ang paghikbi ko.
“By the way Papa. Dinalaw ko sina mama. Namasyal kami and also binilhan ko sila ng mga gamit. Isa na akong fashion designer ngayon. Akalain mo yun no? I am successful in this aspect pero bakit pagdating sa puso, nawawala ako sa tamang landas? Ituro mo naman sa akin ang tamang daan para maging masaya na ako. Kasi Pa, I know I deserve to be happy too.”
“I want to be happy Papa. Sana, sa susunod na pagdalaw ko sa’yo, masaya na ako. May maibabalita na ako sayong masaya. Itong bata sa sinapupunan ko? Gusto kong maging masaya dahil dito pero hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Hanggang sa muli Big King.”
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tinahak ang palabas ng sementeryo. Tama kayo, hindi nila alam na pumunta ako dito sa Palawan. Even my family here, they don’t know anything.
Pumara ako ng taxi para magpahatid sa isa pang lugar na matagal ko na ring hindi nadadalaw.
Pagkababa ko ng taxi ay tiningala ko ang building na nasa harapan ko.
Pumasok ako sa loob at tahimik na umupo sa harapan.
Tinitigan ko ang isang imahe na nasa harapan ko.
Hanggang sa unti-unti na akong lumuhod at pinagsiklop ang mga palad ko.
Hindi ko alam pero napahagulhol na naman ako. Iniisip ko lahat ng mga pinagdadaanan ko. Iniisip ko kung hanggang kailan ako magtitiis sa ganitong sitwasyon. Na yung akala ko na nakamove forward na ako, nagkamali pala ako.
“Lord, give me a sign please. Give me a sign kung anong dapat kong gawin. Alam ko po na ngayon lang ulit ako nakadalaw sa bahay mo, na minsan na kitang sinisi sa mga pangyayari sa buhay ko, pero Lord. Just this once. Just this once, ease the pain here in my heart. Help me to understand my situation. Help me to decide what’s the best for me and for my baby. Kasi Lord, hindi ko na po alam ang gagawin. Nagmahal lang ako pero bakit ganito? Kung hindi na po siya para sa akin, let me have the courage to accept these things. Huwag Mo po hayaang masaktan rin ang mga taong nasa paligid ko. Huwag mo pong hayaang mabulag na naman ako sa nakakalasong pagmamahal. Ikaw na lamang po ang malalapitan ko sa ganitong pagkakataon. Ikaw na lamang po ang hinding hindi ako pagtataguan ng katotohanan. Alam ko po na kahit minsan nawawalan kami ng oras sa Iyo, bukal sa loob Mo pa rin kaming tinatanggap at biniblessed. Ngayon lang po ako hihiling. Please…… please…..”
BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
General Fiction( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)