UNKNOWN's POV
She changed a lot.
She's freaking hot in her dress.
Kanina noong pumasok sila sa loob ng bar na iyon hindi ko agad siya napansin dahil sa pagbabago niya.
Napansin ko rin na parang hindi komportable ang mga kasama niya maliban sa isang lalaki na mukhang sanay na makita siyang ganun.
I keep my eye on her.
Nakita ko kung gaano siya kalakas uminom ngayon.
Ganun na ba talaga kasakit ang mga nangyari para sa resultang nasa harap ko?
Ilang taon din akong nagtiis.
Nagsakripisyo din ako hindi lang para sa akin kundi para na din sa kabutihan niya.
"Gaano mo siya katagal titingnan?"
Tiningnan ko ang nagsalita sa tabi ko habang itinuturo niya ang babaeng nasa gitna ngayon ng dance floor at napapalibutan ng mga lalaki.
Naiirita ako.
Gusto kong balutin ang katawan niya ng kahit anong pwedeng maitakip sa kanya.
Pero wala akong karapatan.
Matagal nang wala.
Hindi ko ginusto ang mga nangyari.
Hindi ko ginusto ang mga ginawa ko sa kanya.
Pero huli na para magsisi.
Huli na para humiling ng isang bagay na hindi na maibabalik pa.
"Masaya ako na nakikita ko siya kahit papano kahit sa malayo. Hindi ko siya pwedeng lapitan. Hindi ako pwedeng magparamdam sa kanya."
"Bakit hindi?"
"Dahil okay na siya."
"Okay? Sa tingin mo maayos siya? She's not the typical girl na yun."
"I know. And subconciously, I'm the one who made her into that."
May mga bagay talaga sa mundong ito na kahit gustong gusto mo, hindi na mapapasayo, lalo na kung pinakawalan mo noong panahong hawak mo ito.
ZOE's POV
Matapos kong iwanan yung lalaking lumapit sa akin kanina sa table namin ay mas ginusto ko pang magsayaw na lang.
BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
General Fiction( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)