PAUL's POV
Alam kong medyo nasaktan si Zoe sa reaksyon ng mga kaibigan niya.
Well, hindi niyo naman masisisi ang mga iyon kasi malayong malayo naman talaga si Zoe sa dati.
Though, matagal na siyang prangka, mas lumala iyon nang umalis kami ng bansa.
Nang umakyat sa kwarto niya si Zoe at narinig namin ang malakas na kalabog ng pinto, nag-aalalang tumingin sa akin sina Zhy at Agua.
"Paul. We didn't mean to offend her." -- Zhy
"Naiintindihan ko naman kayo. Siguro kung naiwan ako dito sa Pilipinas, baka ganyan din ang reaksyon ko. She changed a lot, I'm saying this kasi kasama niya ako noong mga panahong hirap na hirap siyang alisin sa sistema niya ang mapapait na alaala dito sa Pilipinas.
FLASHBACK
Nakita ko siyang nakatingin na naman sa kawalan.
Ilang araw na din kami dito sa London, still wala pa din siyang pinagbago.
Madalas nakatingin siya sa malayo.
Madalas mahuli ko siyang umiiyak.
Pero hindi ko sinasabi sa kanya ang mga napapansin ko.
Hinahayaan ko na mailabas niyang lahat ang nasa dibdib niya.
May maliit na veranda sa kwarto niya at madalas doon siya nakatambay.
It was midnight and I heard someone sobbing.
Magkatapat lang naman ang kwarto naming dalawa at alam kong wala si Yumi kaya sigurado akong si Zoe ang naririnig kong umiiyak.
Nakita kong hawak hawak niya ang isang frame at kahit hindi ko tingnan ng malapitan, picture nila iyon ni Harry noong panahong maayos pa ang relasyon nila.
Narinig kong sinabi niya noon.
"You know what Harry, napaka mo. Napakaunfair mo. Nakakairita kasi hirap na hirap akong kalimutan ko. Samantalang ako, heto, parang tanga na kinakausap ang picture mo. As if naman, sasagot ka di ba? Pero pwede na rin. Bakit mo ba ako iniwan? Hindi naman siguro rason na magpinsan talaga tayo to hurt me like this. Kakainis kasi. Alam kong mali na mahalin ko ang pinsan ko pero the heck. Here I am, hirap na hirap na tanggapin na hindi ka na babalik sa akin. Sana noong umpisa pa lang hindi mo na ako sinalo. Sana hindi ka nagpakapossessive sa akin. Dapat hindi mo ipinakita na mahalaga ako sayo. Dapat hindi mo ipinaramdam sa akin na mahal mo talaga ako. Sana noong umpisa pa lang pinigil mo na kung anuman ang nararamdaman ko para sayo. Sana hindi mo na lang ako tinulungan. Ang unfair mo kasi. You're now healing. Pero ako? Paulit-ulit kong nararamdaman yung sakit. "
BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
General Fiction( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)