ZOE's POV
Hindi ko na alam kung anong oras at paano ako nakauwi.
Nagising na lang ako na maliwanag na ang sikat ng araw at tumatama na ang liwanag sa mukha ko.
Literal na masakit ang ulo ko.
Napabalikwas ako nang imulat ko ang mata ko at nakita kong wala ako sa kwarto ko.
Pinilit kong makatayo kahit ang totoo ay hirap na hirap ako dahil umiikot ang paningin ko.
Hindi rin pamilyar ang bahay na kinaroroonan ko.
Hindi ko bahay ito.
"Oh gising ka na pala." -- ani ng isang baritonong boses.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Bahay ko ito eh. Malamang dito ako uuwi."
Napakunot ang noo ko.
"Paanong narito ako sa bahay mo?"
"Wala ka bang matandaan?"
Pinilit kong isipin kung anong nangyari sa akin kagabi.
Pero wala talaga akong maalala.
"A..anong nangyari? Bakit ako nandito?"
"Pinauwi mo na mga kaibigan mo. Kahit anong pilit nilang magstay para samahan ka, hindi ka pumayag. Nakailang order ka din ng alak kaya naman nalasing ka ng sobra. Nang makita kong lalapitan ka ng mga lasing, inilabas kita ng version kaya lang naalala ko hindi ko alam kung saan ang bahay niyo kaya naman dito na lang kita dinala."
"I need to go home."
"Magbreakfast ka na muna bago kita ihatid."
"Hindi na. Magtataxi na lamang ako."
"I insist. Ihahatid kita."
"Look Clifford, though its not my forte to thank people, I admit I should be thankful to you. But please, let me go alone. Kaya ko naman."
Nakita kong bumuntong hininga na naman siya.
"You always push people away. Anyway, ihatid na kita sa labas. Don't tell me, tatanggihan mo pa din iyon."
I sigh at nagpatiuna na akong lumabas ng bahay niya.
Hindi siya pumayag na hindi siya ang kumuha ng taxi para sa akin.
BINABASA MO ANG
THE BITTER NUMB
General Fiction( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going)