Chapter 1

3.7K 35 0
                                    

"Oh Aezthal tapos ka ng magayos ng room?" Tanong ni Rose nang makalabas ako sa room 301, kakatapos ko lng ayusin ito at lahat kmi abala dahil darating ngayon ang bagong may magmamayari ng hotel na ito.

"Oo room 412 na susunod sa akin. Ano bang problema?" Tanong ko sa kaniya kasi napansin kong parang aligaga siya.

"Andyan na kasi ng bagong boss natin." Mapatayo ako ng tuwid saktong bumungad ang isang lakaking matipuno. Makapal ang kilay nito at matangos ang ilong habang ang kulay ng kaniyang mata ay kulay brown at nakasuot pa ito ng salamin. Maganda ang tindig ng kaniyang katawan habang bahagya itong nakangiti sa amin, sakto kasing lumabas na din mga katrabaho ko sa kanya-kanyang kwarto na nililinisan namin.

Napayuko kami. "Welcome Sir Gastrell," bati naming lahat. Nalugi kasi si Mr.Alcantara at hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Hindi na siya nagpakita pa pero ok na din ito, manyakis ang lalaking iyon eh, nabalitaan namin na may minolesta siyang katrabaho namin dahilan kung bakit nag-resign iyon, mabuti nalang talaga pag nakikita ko iyon tumatakbo agad ako palayo o kaya sasadyain kong guluhin buhok ko para magmukha akong losyang pag dadaan siya, mahirap na no.

"Ang pogi niya no?!" Kinikilig na sabi ni Rose na katabi ko, siniko pa niya ako. Napatingin aman ako bago napangiti

"Kaya nga, ang pogi ni Sir Eron," habang nakaititig ako sa lalaking napakapogi sa paningin ko. Bakit kasi ang pogi?! Nakatabi kasi siya ngayon sa bago naming boss dahil siya ng manager ng hotel na ito, malapit na sila sa amin at nakikipagkamay na ang bago naming amo sa katrabaho namon.

"Hoy teka bakit si Sir Eron?" Napalingon ako kay Rose habang nakakunot ang noo. Tama naman diba?

"Hindi ba siya binabanggit mo?" Tanong ko habang nagtataka ang kaso bigla niya akong sinaman ng tingin.

"Sira! Syempre si Mr.Gastrell ang binabanggit ko! Pogi nga si Sir Eron pero mas pogi naman si Mr.Gastrell no," pangdedebate niya sa akin.

"Siya? Mukha kaya siyang nerd. Eh kahit anong gawin mo mas pogi si Sir Eron—" nahinto ako sa pagsasalita nang may isang kamay ang na biglang lumahad sa harapan ko, nakasuot ito ng singsing habang kita ang ugat sa kamay nito. Napa-angat ako ng tingin at bumungad sa akin ang isang lalaking nakasalamin habang nakangiti ito.  Napalunok ako, bakit parang peke ang pagkakangiti niya?

"Hi nice to meet you, I'm Bowen Dale Gastrell, you're new boss and you are?" Pagpapakilala niya, tumingin naman ako kay Sir si Eron na nakangiti, nginitian ko siya ng matamis bago tinaggap ang kamay ng boss namin.

"I'm Aezthal Ramos Sir," sabi ko. Nakipagkamayan ako. Ang init ng kamay niya pero napalunok akong muli nang bigla niyang pisilin ang kamay ko.

Aray ah! Namemersonal ata ang isang ito!

Maya-maya pa binitawn na niya ang kamay ko bago tumalikod. "Morning Aezthal," bati sa akin ni Sir Eron. Namumula naman ang aking mukhang, tinanguan siya bago sila nagsimula ulit maglakad.

"Huy lagot ka mukhang narinig ka ni Sir Bowen, sabihan mo ba naman siyang nerd!" Sabi ni Rose sa akin. Halata nga na narinig niya ang sakit kaya ng pagkakapisil niya ng kamay ko tapos peke pa siyang ngumiti. Kalalaking tao plastik!

"Ano naman kung narinig niya? Tama naman sinabi ko ah."

"Anong tama ka d'yan! Lahat kaya ng nagtratrabaho dito crush na si Sir Bowen, ikaw lang bukod tanging hindi at kay Sir Eron lang ang tingin mo," sabi niya. Tama naman kasi siya, pogi naman kasi talaga si Sir Bowen kaso basta, hindi ko siya type.

"Loyal kasi ako," sabi ko. Matagal ko ng crush si Sir Eron at hanggang ngayon umaasa ako na mapansin niya, tatlong taon na din akong nagtratrabaho sa hotel na ito at siya ang unang tanging mabait sa akin noong unang pasok ko kaya ko siya nagustuhan.

My ideal type is someone who have good personality and treat me like I'm their precious person in the whole world. Mala fairy tale ba ang dating? Well ang alam ko kasi meron pang mga lalaki na kayang maging tapat sa kanilang kareslayon kaya umaasa din ako na makakahanap ako ng ganoon at ngayon nga nahanap ko na si Sir Eron!


Kinagabihan napahinto si Bowen sa pag-park ng kaniyang kotse nang may makita siyang isang lalaking naglakad at may isang lalaking nakahulog ng kaniyang wallet. Pinulot ito ng lalaki at sinubukan habulin ang lalaking may ari nito ngunit biglang may mga lalaking humarang sa kaniya at sinubukan siyang pagtulungan.

Mabilis na lumabas si Bowen ng kaniyang kotse at naglakad palapit sa kanila, kasalukuyan nang binubugbog ang lalaki nang makarating siya. "Hey!" Tawat niya. Natigil ang mga ito.

"Stop right there," sabi niya pero biglang nagtakbuhan ang mga lalaki kasunod na lumabas ang isang lalaking may ari ng wallet. Masama ang tingin nito sa lalaking nakahiga na sa kalsada sa sakit ng kaniyang katawan.

"Magnanakaw ka!" Sigaw ng lalaki at handa na sana nitong aambaan ito nang pinigilan ito ni Bowen.

"Don't make violence here," sabi ni Bowen. Masama ang tingin ng lalaking tinignan siya.

"Sino kaba? Kasabwat kaba nito? Irereklamo ko kayo," sabi ng lalaki sakto namang dumating ang mga pulis at dinala sila sa may police station.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ng pulis. Nakaupo sila Bowen, inilabas ni Bowen ang kaniyang credit card.

"Here, I will call my lawyer to clear this guy name, I saw him that he pick the wallet and tried to give it back to this man but bunch of men tried to hurt him before this guy appear." Nanlalaki ang mata ng lalaki. Alam ni Bowen na may kinalaman ang lalaking ito sa nangyari, pakulo lamang nila ang lahat para may makuha sila sa lalaking biktima.

"A-ano? Hindi ko po magagawa iyon!" Sabi ng lalaking biktima.

"You can check the cctv," sabi ni Bowen dahil hindi talaga niya maatim ang makapanood ng ganitong kalagayan sa mismong harapan niya.

Dahil sa sinabi ni Bowen umaksyon agad ang mg ito at pinuntahan ang cctv sa area na iyon bago bumalik ang pulis sa police station para sabihin ang kanilang nakita.

Nagmamakaawa naman ang lalaking may ari ng wallet sa lalaking nakapulot nito upang hindi siya kasuhan ngunit tahimik lang namn ang lalaking iyon.

Tumayo si Bowen para umalis na habang ang lalaking tinulungan niya nagpasalamat pang pahiyaw sakto namang nakasalubong ni Bowen ang isang babaeng amoy candy ang katawan. Napahinto siya sa pintuan habang ang babae nilampasan naman siya.

Naamoy na niya ito sa hotel kanina kaya alam na niya kung sino iyon. Lumingon siya at pinanood ang babaeng tumakbo papasok bago nito niyakap ang lalaking tinulungan ni Bowen.

Napasama ang mood ni Bowen nang makita niya ang mukha ng babae, hindi parin mawala sa isip niya ang narinig niya mula sa babae kanina.

"Kuya anong nangyari sa iyo?!"

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon