Chapter 2

1.2K 20 1
                                    

Aezthal POV

"Kuya ok ka lang?" tanong ko kay Kuya. Nakatanggap kasi ako ng tawqg mula sa mga pulis. Hindi kasi palaaqway kapatid ko kaya talagang ngulat ako bakit nasa police station siya.

"Ok lang napagbintangan lang ko pero may isang lalaking tumulong sa akin," sabi ni kuya. Tumingin naman ako sa labas upang hanapin ang lalaking tumulong sa kaniya pero wala na akong nakita na kahit na sino doon.

"Sayang naman, magpapasalamat sana ako," sabi ko bago tumayo at tumingin sa pulis at sa isang lalaki na tumayo kasama ang pulis.

Mukha ito ang nagpahamak kay Kuya... Pasimple kong iniharang ang aking paa ng malapit na siya bago ko ito agad na hinila dahilan upang mapatumba ito sa sahig.

Nag-aalala akong napatingin pero deep inside gusto kong matawa, deserve niya iyan.

"Naku ok ka lang?" Nagaalala kong tanong pero mukhang nahalata niya ginawa ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Dahil doon nagmadali akong hilain si Kuya palabas ng police station.

"Anong kalokohan iyon Aezthal?" Tanong ni Kuya kaya napangiti ako ng malademonyo.

"Sumulit lang naman ako no," sabi ko. Nakakainis kasi ang mga taong ganun. Ang dami nilang bibiktamahin iyon pang walang-wala katulad namin.

"Ano kuya kamusta paghahanap mo ng trabaho?" Tanong ko. Lumabas kasi siya para maghanap ng trabaho ang kaso kasi lapitin sa gulo si kuya kaya kahit hindi siya ang nagsisimula napapasali siya sa gulo kaya minsan nawawalan agad siya ng trabaho.


"Hindi pa ako nakakahanap, sinubukan ko kasi habulin 'yong lalaki kanina."

"At inuna mo nanaman ang pagtulong kaysa sa sarili mo ganun ba?" Tanong ko. Hindi ko din siya maintindihan eh.

Ngumiti siya at saka mabilis niyang hinila ulo ko bago ito kinusot.

"Ganun talaga. Hayaan mo makakahanap din ako ng trabaho," sabi niya na para bang nagi-gui-guilty siya kasi ako ng nagtratrabho sa aming dalawa.

Napahinto ako sa paglalakad. "Ano kaba, ikaw nagpaaral sa akin Kuya. Hindi ako makakanap ng ganitong trabaho kung hindi dahil sa iyo kaya huwag ka ng ma-guilty ok?" sabi ko. Imbis kasi na makapag-aral siya ako ang pinili niya pag-aralin. Nakailang trabaho ma din siya para lang mapag-aral ako kahit dalawang taon lang sa college.

"Dami mong drama bunso tara na nga umuwi," sabi niya bago ako inakbayan. Nakangiti akong sumunod sa kaniya.


-

Kinabukasan maaga akong pumasok dahil pinagluto na ako ni Kuya ng baon at pagkain at sabay din kaming umalis ng bahay dahil maghahanap siya ng kaniyang trabaho.

Nang makapasok ko sabhotel nakasalubong ko agad mga katrabaho ko na kumaway pa sa akin dahil sa matagal na ako dito, marami na din akong ka-close.

Nang makapagbihis ko ng uniform namin lumabas agad ako at nakita ko si Sir Eron na na naglalakad sa hallway kaya naman hinabol ko siya.

"Sir Eron!" Tawag ko. Napahinto siya bago ako hinarap, nang makita niya ako biglang sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.

"Oh Aezthal, good morning." Biglang nag-init ang aking pisngi nang batiin niya ako.

"Good morning din Sir," bati ko. Grabe ang pogi talaga.

"G-gusto mo bang kumain kasama-"

"Good morning Sir!" Natigilan ako at napa-ayos ng tayo nang marinig ko ang lahat na bumati.

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon