Chapter 10

795 17 0
                                    

Aezthal POV

"Why I let my self cry in your shoulder?" Hindi ako nakaimik. Hind ko din naman kasi alam ang sagot sa tanong niya eh.

Nanahimik nalang ako buong byahe hanggang sa makarating kami.

"Manong bayad po," sabi ko bago ko inabot sa kaniya ang bayad namin at saka kami lumabas.

Nakatayo kami sa harapan ng apartment namin ni Kuya. "Kasya kayo dito?" Tanong niya sa akin.

Nabusangot naman ako.

"Oo naman. Hindi naman katulad mo na higante," sabi ko, pero oa lang talaga ak. Siguro mas malaki lang siya ng onti kay Kuya.

"Dami mong sinabi, tara na sa loob," sabi niya. Hinila niya ang buhat-buhat ko bago naunang naglakad. Napatigil naman ako bago sumilay ang ngiti sa aking labi, gentleman naman pala eh.

Mukhang nagkamali ako sa pagbibintang sa kaniya, siguro nga talaga nainis lang siya sa sinabi ko kaya kami nag-aaway.

Sumunod ako maglakd sa kaniya. Nang makarating kami sa loob muntikan pa siyang mauntog sa pintuan.

Mapatakip ako sa aking bibig habang nagpipigil ng tawa paano, naman kasi sinong hindi matatawa? Para kaya siyang pumasok sa isang napakaliit na bahay.

"Anong tinatawa tawa mo d'yan Miss Ramos?" Tanong niya. Natigil ako bago iniba ang aking ekspresyon.

"Wala Sir, saka pwede ba stop being formal, you can call me by my name. Aezthal, hmm?" Sambit ko. Pinanood ko naman binaba niya ang paper bag sa lamesa bago ko siya nilingon.

"I don't want to call you like that bastard called you, it's disgust me." Nakita ko ang galit sa kaniyang mata. Bakit hindi ko ito nakita kanina.

"Galit kaba?" Tanong ko. Tila ba natigilan siya at naibalik sa tamang wisyo tapos nakita kong ngumiti siya.

Anong problema? Bakit parang ayaw niya ipakita ang mga flaws niya? OK lang naman magalit, umiyak, at malubgkot hindi ba? Bakit ayaw niyang ipakita? Ayaw niyang mawalan ng control, bakit? May mga tao bang katulad niya?

"Hindi hindi ba magluluto ka?" Tanong niya. Naibalik naman ako sa tamang wisyo bago tumango. Naglakad ako palapit sa kaniya tapos inanyayahan ko naman siyang maupo muna sa lamesa habang hinihintay ako bago ako lumapit sa lababo para mag-prepare na ng ingredients.

Habang nagluluto ako natigil ako sa paghihiwa nang makita ko siyang nahihirapan huminga habang masama ang tingin sa table.

"Sir ok kalang?" Tanong ko bago siya nilapitan. Inalog alog ko siya para matauhan pero tinignan nanaman niya ako ng may ngiti.

"I'm fine... Can I drink water? I need to drink my medicine," sabi niya bago nilabas ang kaniyang gamot at naglakad papunta sa may jog.

Habang ginagawa niya iyon nakatulala ako sa  isang bagay, natigil ako bago binasa ang gamot niya.

"Gabapentin?" Anong gamot iyon?

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa bago ko sinearch. Binasa ko ito ng sa mata ko lang at nanlaki ang mata ko nang makita ang hinahanap kong sagot.

"It's also use for anxiety..."

"What are you doing?" Mabilis kong tinago ang cellphone sa aking likod habang mabilis na umiiling-iling.

"Wala Sir, tutuloy kona niluluto ko," sabi ko bago naglakad palayo pero ang isip ko nandoon prin sa gamot. Marami nang kabataan ngayon ang nagkakaroon ng anxiety pero nakikita ko sa symptoms niya parang may something na hindi ko alam.

Habang naghihiwa nandoon paron ang isip ko hanggang makatapos akong magluto nilapag ko lahat ng pagkain sa harapan ni Sir habang siya nakatulala lang sa sahig, hindi ko nalang siya inistorbo, parang pinapakalma niya ang sarili niya eh.

Nilabas ko nalang cellphone ko para tawagan si Kuya.

Maka ilang ring lang sinagot na din niya ang tawag.

"Hello, bunso?"

"Kuya anong oras ka uuwi? Nakahanda na kasi ako ng pagkain," sabi ko. Nakarinig ako ng librong nabagsak, huwag niyang sabihing nakalimutan niya.

"Shit ngayon na ba 'yon?! Nakalimutan ko! Pasensya na bunso nangako kasi ako sa boss ko na lilinisan ko itong buong shop para malinis na bukas dadadagan niya daw sahod ko kaya tinaggap ko na, hindi ko naman kasi naalala na anniversary nila Mom at Dad ngayon. Sorry." Napabuntong hininga ako, mukhang napamahal na agad siya sa trabaho niya.

"Ok lang Kuya, tabihan nalang kita ng pagkain, anong oras ka ba uuwi?" Tanong kong muli.

"Baka bukas na ako ng hapon makakauwi, dito na ako matutulog."

"Ok sige, ingat ka d'yan ha," sabi ko habang nakangiti. Napansin ko namang napangat ng tingin sa kin si Sir Bowen.

"Sige bunso ikaw mag iingat d'yan, wala kang kasama, gusto mo bang ayain nalang si Valencia diyan para may kasama ka?" Tanong niya kaya naman napangisi ako.

"Aysus kunwari kapa eh, gusto mo lang magkaroon ng dahilan para i-chat siya, saka h'wag na, ok lang ako dito," sabi ko bago pinatay ang tawag baka kasi humaba pa, nagugutom na ako.

"Ano Sir ok kana?" Tanong ko, tumango naman siya.

"Gusto mo uminom?" Tanong ko. Meron kasing alak dito saka pareho naman kaming broken hearted kaya deserve naming uminom.

"If you insist," sabi niya. Tuwang-tuwa naman akong nilabas ang alak pero mukhang napangiwi siyaz malamang sinong hindi mapapangiwi eh hindi naman siya umiinom ng empirador, eto lang afford ko eh, magrereklamo pa siya buti nga papainumin ko pa at papakainin ko siya.

"Huwag ka ng mag-inarte Sir," sabi ko bago inilapag ang ito sa harapan niya. Nakita ko naman siyang napabuntong hininga bago binuksan ito.

Pinanood ko lang siya bago lagyan ng alak ang baso ko doon kami nagsimulang dalawang kumain muli.

Habang umiinom tahimik kaming dalawa, wala kasi akong maisip na sasabihin sa kaniya at saka hindi naman kami close para mag-usap kami hindi ba?

"Sir." Tawag ko. Hindi kona kasi matiis.

"Why Liz?" Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon. Paano niya nalaman second name ko?

"Huh? Paano mo nalaman iyon?" Tanong ko habang nagtataka at saka siya lang ang unang tumawag sa akin no'n.

"In your resume?" Napansimangot ako dahil para bang sa tono niya sinasabi niyang wala akong common sense, bangasan ko kaya ang isang ito.

"Mabalik tayo Sir bakit hindi ka manlang nagalit kanina?" Tanong ko. Bigla siyang nakipagtitigan sa akin. Dahil sa titig niya ramdam ko ang pagkahilo, mukhang napapalakas na ata ang tama ng alak sa akin ah.

Mapungay ang mata kong napatingin sa kaniya nang ingat niya ang kaniyang kamay palapit sa aking baba.

"I notice you have soft lips..." Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin.

Napapikit ako upang hintayin iyon hanggang sa maramdan ko ang isang labing dumapo sa aking bibig.

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon