Chapter 23

695 17 0
                                    

"Salamat kuya," sabi ko nang ibaba ang huling purado na in-order ko habang malawak ang ngiting nakatingin sa lamesang punong puno na. Napatingin ako sa ibang customer na iba na ang tingin sa akin. Nalipat naman ang aking tingin kay Sir Bowen na nakangiting nakatingin lamang sa akin, at parang tuwang tuwa pa siya na winawaldas ko pera niya sa ganito.

Nag-move forward siya bago ipinatong sa lamesa ang kaniyang kamay at doon naman niya pinatong sa kaniyang kamay ang kaniyang baba.

"Sobra ba kitang ginutom?" May halong pangaasar na tanong niya dahilan upang mapasimangot ako.

"Hindi no! Sinulit ko lang kasi 'yong iba dito ibibigay ko sa mga bata na nasa orphanage," sagot ko naman. Pina-take out ko kasi ang iba.

Napatingin ako sa mata ni Sir Bowen nang bigla itong sumeryoso.

"Orphanage? Galing ka doon?" Tanong niya habang nakakunot ang noo.

Tumango naman ako. Hindi ko naman kinakahiya kung saan ako nanggaling eh, ang kaso sa tuwing inaaala ko ang nakaraan hindi ko maiwasan na hiniling na sana doon nalang ako nanatili.

Sa oras na kung saan naranasan kong maging masaya ng walang pinoprolema ang kaso mapaglaro talaga ang tadhana, panandalian lang pinadama sa amin nag marangya at masayang buhay.

"Can you tell me about it?" Hindi ko naman inaasahan iyon pero ngumiti ako.

Napapikit ako habang inaalala ang lahat.

                                       —
22 years ago

Sa gitna ng kahapunan nakahiwlay ang batang si Aezthal sa mga batang nasa garden, nanatili siyang naupo sa malapit sa gate habang yakap ang teddy bear na natanggap niya kanina lamang.

Isang mayaman na lalaki ang pumunta sa kanila upang magbigay ng pagkain at mga laruan, nagnanais din itong magampon ng bata dahil wala itong kakayahang magka-anak.

"Aezthal!" Sigaw sa kung saan ang batang si Brent. Tumakbo ito palapit kay Aezthal, mabilis na napalingon si Aezthal sa kaniyang Kuya ngunit kalaunan yumuko siyang muli.

Naupo si Brent sa tabi ni Aezthal, limang taon lamang ang tanda nito sa kaniya, sampong taon na si Brent habang si Arethal naman nasa limang taong gulang na.

"Hindi ba kukunin ka noong mayamang iyon? Bakit nandito kapa Kuya?" Tanong ni Aezthal habang maluha luha na siya. Hindi ito ang unang pagkakataon na may gustong kumuha kay Brent dahil matalino at gwapo itong bata, na gusto talagang kunin ng mga gustong mag-ampon.

Mabilis na inakbayan ni Brent si Aezthal. "Sinong nagsabing pupunta ako ng wala ka? Sinabi ko naman sayo, hindi ako sasama dahil ako nalang ang pamilya mo at ikaw nalang ang pamilya ko, hindi ka iiwan ni Kuya, hmmm?" Napaangat ng mukha si Aezthal pero hindi siya nakaimik.

Ayaw niyang maging makasarili pero ayaw din niyang mawalay sa nag-iisa niyang pamilya. Namatay ang kaniyang ina at ama dahil sa mga kinakautanagn ng mga ito.

Simula palang masalimuot na ag kanilang buhay.

"Saglit. Dito kalang ikukuha kita ng makakain doon," sabi niya at muli itong tumayo. Tumango nalang si Aezthal bago tuluyang tumakbo palayo ang batang si Brent.

Samantala nang makaalis na si Brent isang ingay mula sa isang kotse ang paparating.

Napatingin si Aezthal sa isang kotse na pumasok sa gate kaya pumagilid siya pero mukhang sa sobrang liit niya walang nakapansin sa kaniya. Dalawang lalaking naka suit ang lumabas habang ang isang bata ay nagpupumiglas sa kanilang bisig.

Gastrell Brothers Series #2 Mass Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon