"A-aray." Naalimpungatan ako nang may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa akin kasabay ng pananakit ng katawan at ng maselang parte ko....maselang parte...
Teka...
"AHHH!" sigaw ko sabay bangon. Nanlalaki ang mata kong inilibot ang aking paningin, kinakabahan ako pero nang makita kong nasa kwarto lang ako biglang nawala ng kaba ko.
"Akala ko kung ano na ang nangyari... Ano kaba Aezthal masyado kang nag-aalala." Napatingin ako sa aking kawatan, hubot hubad ako, nanlaki muli ang aking mata. "Hindi. Baka kasi naitian ako kaya ako hubat ako, oo." Napapalo ako sa gilid ko.
"Hmmm..." nagpantig ang aking tenga at unti-unting lumingon, parang gustong kumawla ng puso ko sa dibdib ko nang masilayan ko ng isang lalaking nakatulog sa tabi ko.
May makinis at maganda itong pangangatawan.
"AHHHH!!!"
"A-ANONG NANGYAYARI?!" Bigla siyang bumangon. Noong una nagtataka pa siya at medyo nakasingkit ang kaniyang mata pero nang makapa niya ang salamin niya nilagay niya ito sa kaniyang mata bago ako tinignan. Parehas na nanlalaki ang aming mata habang ako tinataas ko ang kumot na nakatabing sa aking katawan.
"Don't tell me..." Bulong niya. Bigla kong hinampas ang kaniyang braso.
"DON'T TELL ME KAPA DYAN! AMININ MO PINAGSAMANTALAHAN MO AKO NO?! AHHH! HAYOP KA SIR!!" Sigaw ko ng napakalakas. Napahawak naman siya sa kaniyang tenga at parang hindi makapaniwala sa nangyari.
"Look, I-I didn't mean— I mean, sorry..." Sabi ni Sir Bowen. Napayuko siya. Dahil sa lambot ng kaniyang boses napabuntong hininga ako, ano pa bang magagawa ng pagsisisi ko, for sure may kasalanan din naman ako dito.
"Let's just forget it." Tumayo ako para sana maglakad papuntang banyo pero may kung akong humatak sa akin pabalik.
"I'll take responsibility..." Ano daw??
Unti-unti ko siyang hinarap habang nakakukot ang noo.
"Ano?" Mataam niya akong tinitigan bago siya napabuntong hininga.
"I said I'll take responsibility about what happen, it's your first time and I'm sorry for taking it away... I'll marry you." Laglag ang panga ko sa aking narinig. Teka hindi ko naman siya inuobliga ah?
"Teka Sir Bowen it's a mistake, pareho nating kasalanan ito, hindi mo kaylangan gawin iyan at saka hindi kita binibigyan ng obligasyon ok? Kaya tama na," sabi ko pero para sa akin ang sarap lang pakinggan na may isang taong katulad niya he was willing to marry me just because he takes my virginity.
"But—"
"Aezthal bakit nagkalat ang mga plato at pagkain sa lapag—" nanlalaki ang mata kong nakipagtitigan sa kung sino ang bumukas ng pinto, laglag ang pnga naming dalawa.
"K-kuya..." Bulong ko. Nang matauhan naman siya biglang sumeryoso ang kaniyang tingin.
"Put some clothes, let's talk when you're done," sabi niya sa amin bago sinara ang pintuan. Laglag ang balikat kong napahawak sa aking buhok
"Anong gagawin ko..." Bulong ko. May kung ano namang akong naramdaman na humawak sa balikat ko.
"Let's go... I'll explain to him," sabi niya. Napatayo ako bago dumiretso sa may banyo at naligo. Amoy ko parin ang halimuyak ng kaniyang katawan na parang ayaw matanggal sa aking katawan.
Matapos kong maligo ganoon din ginawa niya. Pagkabukas ko ng pinto may damit na doon, mukhang nilagay ni kuya para kay Sir Bowen.
Matapos namin magbihis lumabas na kami ng sabay.
Nakita namin si kuya na nakaupo sa sofa tapos wala ng kalat mukhang nilinis na niya ito.
"K-Kuya akala ko ba mamayang gabi kapa uuwi?" Utal kong takong.
"Umupo kayo..." Magkatabi kaming dalawa ni Sir Bowen na naupo sa harapan ni Kuya.
"K-kuya magpapaliwanag ako..." Sabi ko pero hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin.
"Salamat sa pagliligtas mo sa akin noon at handa akong bayaran ka pero hindi ibig sabihin non ay pwede mong gamitin ang aking kapatid para sa utang na loob ko," sabi ni Kuya. Nanlaki ang aking mata.
"Hindi sa ganoon, we're drunk and I can't remember everything. Hindi ko ginagamit ang kapatid mo, she's my employee and everything happen is just full of accident," pagpapaliwanag naman ni Sir Bowen.
"Tama siya kuya, may kasalanan din naman ako kasi nga nalasing kami, please huwag kanang magalit." Inilingan niya ako.
"Then anong gagawin niyo? Kakalimutan nalang lahat ganoon ba? Ganyan ba kita pinalaki Aezthal?" For the first time ngayon lang ako natakot kay Kuya, para kasing gusto na niya akong saklamin sa kasalanang ginawa ko.
"I'll take responsibility, I'll marry her." Napanganga ako. Ayan nanaman siya eh.
"Pero ok lang talaga..."
"That's good. Alam kong mabuti kang tao kaya naman alagaan mo kapatid ko." Nakangiti na niyang sabi, teka bakit parang ako ang natatali sa oras na ito? May binigay ba akong permisyon para pangunahan ako? Teka lang naman!
"Teka..." Tumayo si kuya at parang wala siyang panahon para pansinin ang pagrereklamo ko.
"Maghahanda ako ng makakain, kumain tayo," sabi niya bago kami iniwan at pumunta sa kusina. Nakatulala akong napatingin kay Sir Bowme, walang bago sa kaniyang ekspresyon.
"Ganoon nalang iyon? Magsasabi ka na papakasalan mo ako kahit may mahal kang iba?" Tanong ko. Bigla siyang napabuntong hininga.
"What will other say if I let a woman because of mistakes? Beside mom will get mad at me if she found out about this. Pinalaki niya kami at laging sinasabihan na respetuhin ang babaeng naikama namin..." Natigilan naman ako bago napabuntong hininga.
"Hindi ko naman kasi talaga gustong bigyan ka ng resonsibilidad Sir. I know you're heart broken." Napayuko ako pero isang kamay ang humawak sa aking kamay kaya naman napangat ako ng tingin at tinignan siya.
Nagtitigan kami bago sumiliay ang ngiti sa kaniyang labi. "I'm alright. I make a promise," sabi niya. Siguro kung ibang babae ito magiging masaya. Hindi naman sa malungkot ako ang kaso kasi parang pinipilit lang niya ang sarili niya para lang ayusin ang pagkakamali. Bakit ba siya natatakot sa pagkakamali?
"Ok... But Sir if kung magbago isip mo about dito willing naman akong pumayag eh, hindi mo kaylangan pilitin sarili mo dahil kasalanan ko din naman ang nangyari." Nawala ang ngiti sa kaniyang labi bago siya tumango.
"Let's meet my parent tommorow," sabi niya bago siya ngumiting muli. Bigla naman akong kinabahan doon, parang hindi pa ako ready.
"And I'm sure they will like you..."
BINABASA MO ANG
Gastrell Brothers Series #2 Mass Of Love
Roman d'amourBOWEN DALE GASTRELL Nagmamayari ng maraming hotel si Bowen, pinakamabait at responsable na anak ng mag-asawang Gastrell, laging kalmado ito sa lahat ng bagay ngunit nagiiba ang pakikitungo niya sa nagiisang tao, nagsimula ito nang nakilala niya ang...